KC Concepcion, ibinida ang 'Top 10 most memorable gifts mula sa mommy niya

KC Concepcion, ibinida ang 'Top 10 most memorable gifts mula sa mommy niya

- Ibinida ni KC Concepcion ang mga regalong natanggap niya mula sa kanyang inang si Sharon Cuneta

- Ito ay sa pagdiriwang ng Mother's Day ngayong araw kasunod ng kanyang binahaging mensahe para sa ina

- Sa kabila ng rebelasyon kamakailan ni Sharon, hindi ito pumigil sa pagbabahagi ni KC ng kanyang pagpapahalaga sa ina

- Hindi na binahagi ng mag-ina ang dahilan ng kanilang tampuhan

Sa pagdiriwang ng Mother's Day, ibinida ni KC Concepcion ang ilan sa mga espesyal na regalo na natanggap niya mula sa kanyang inang si Sharon Cuneta.

KC Concepcion, ibinida ang 'Top 10 most memorable gifts mula sa mommy nya
KC Concepcion, ibinida ang 'Top 10 most memorable gifts mula sa mommy nya
Source: Youtube

Ibinahagi ni KC ang kanyang pagpapahalaga at pagmamahal para sa kanyang ina sa pamamagitan ng isang heartfelt na mensahe sa social media. Kasunod nito, ipinakita rin niya ang ilan sa mga regalong ibinigay sa kanya ni Sharon bilang pagpapakita ng pasasalamat sa pagiging isang mabuting anak.

Sa kabila ng mga pagsubok at tampuhan na kanilang pinagdaanan kamakailan, patuloy pa rin ang pagpapakita ni KC ng kanyang pagmamahal at suporta sa kanyang ina. Hindi na binahagi ng mag-ina ang dahilan sa likod ng kanilang mga hindi pagkakaintindihan, ngunit sa halip ay nagpokus si KC sa mga positibong aspeto ng kanilang ugnayan.

Read also

KC Concepcion, ibinahagi ang top 10 gifts mula sa inang si Sharon Cuneta

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si KC ang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa dating asawang si Gabby Concepcion. Matapos maghiwalay ng kanyang mga magulang, kinilala niya ring ama si Senator Francis Pangilinan. Nagtapos siya ng Bachelor's Degree in International Corporate Communications with a minor in Theatre Arts sa American University of Paris.

Ibinahagi kamakailan ni KC sa kanyang vlog ang kwento kung paano sila muling nagkita at nagkausap ng ama niyang si Gabby Concepcion. Noong siyam na taong gulang siya, pumunta ng Amerika si Gabby at doon nagtrabaho. Naibahagi ni KC kung paano sila nagkausap noong siya 18th birthday niya. Marami ang naantig sa video na ito ni KC dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang ama.

Matapos nga niya ilabas ang video ng kwento tungkol sa muling pakikipag-ugnayan nila ng amang si Gabby, naibahagi ni KC ang kanyang pagmamahal at pasasalamat para naman sa kanyang stepfather na si Kiko Pangilinan na siyang tumayong pangalawang ama niya. Aniya ay sobra niyang naapreciate ang kanyang stepfather at pinakita pa nito ang pearl necklace na natanggap niya mula dito nang magpakasal sila ni Sharon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel