Janella Salvador, binati ng mga kapwa artista sa pagkakapili sa kanya na gaganap bilang Valentina

Janella Salvador, binati ng mga kapwa artista sa pagkakapili sa kanya na gaganap bilang Valentina

- Matapos maibalita ang tungkol sa pagkakakilanlan ng artistang gaganap bilang Valentina sa telseryeng Darna, marami ang bumati kay Janella Salvador

- Sa kanyang post sa social media ay pinasalamatan ni Janella ang lahat ng bumati sa kanya

- Ito ang kanyang magiging unang serye simula nang bumalik siya matapos niyang manganak

- Gaganap siya bilang si Valentina, ang magiging kaaway ng bidang si Darna na gagampanan naman ni Jane de Leon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Todo pasalamat si Janella Salvador sa lahat ng pagbating kanyang natanggap matapos nga maibalita ang tungkol sa pagkakapili sa kanya bilang gaganap na kontrabida sa teleseryeng Darna. Siya ang napili bilang si Valentina, ang kaaway ng bidang si Darna na gagampanan ni Jane de Leon.

Janella Salvador, binati ng mga kapwa artista sa pagkakapili sa kanya na gaganap bilang Valentina
Photo from Janella Salvador (@superjanella)
Source: Instagram

Maging ang kanyang mga kapwa artista ay bumati sa kanya. Kabilang sina Liza Soberano na siyang naunang napili snang maging Darna, Marlo Mortel, Sharlene San Pedro, Angelica dela Cruz, Precious Lara Quigaman, Mariz Racal at Geoff Eigenmann sa mga bumati sa kanya.

Read also

Pambato ni Senyora, talo ang mga pambato para sa gaganap na Valentina

Ang gagampanan ni Janella ay ang kontrabida sa nasabing serye. Samantala, marami din ang natuwa na si Janella ang napili lalo na at napatunayan nito ang husay niya sa pag-arte sa mga nagawa niyang TV projects noon.

Sa kanyang post sa social media ay pinasalamatan ni Janella ang lahat ng bumati sa kanya. Ito ang kanyang magiging unang serye simula nang bumalik siya matapos niyang manganak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

The snake is out of the bag.Happy V Day.

Si Janella Salvador ay nakilala sa kanyang husay sa pag-awit at sa pag-arte. Naipareha siya kay Elmo Magalona sa teleseryeng "Born For You". Gayunpaman, hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang relasyon matapos sabihin ni Janella na sinaktan umano siya ni Elmo.

Nagkatampuhan din si Janella at ang ina nito noong panahong napapabalitang si Elmo ang kanyang karelasyon.

Read also

Mylene Dizon, kinaaliwan matapos nitong makaligtaang magpantalon sa isang zoom session

Kamakailan ay naging usap-usapan ang kanyang puspusang pag-wo-workout upang maibalik sa dati ang kanyang katawan bilang paghahanda sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

Naging viral din ang picture ni Janella kasama sina Vicki Belo at Hayden Kho. Sa nasabing picture ay marami ang nakapansin sa malaking pagbabago sa kanya mula sa nakasanayan sa kanya noong aktibo pa to sa showbiz.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel