Paulo, nais na makatrabaho si Kathryn: "Baka maging bagay ako sa mga proyektong gagawin niya"

Paulo, nais na makatrabaho si Kathryn: "Baka maging bagay ako sa mga proyektong gagawin niya"

- Nais din umanong makatrabaho ni Paulo Avelino si Kathryn Bernardo

- Aniya, bukod kay Kim Chiu, gusto rin niyang makatrabaho si Kathryn lalo na sa mga roles na ginagampanan nito ngayon

- Mapapanood si Paulo sa bagong seryeng pinagbibidahan nila ni Kim Chiu, ang 'What's Wrong With Secretary Kim'

- Maliban sa mga teleserye, ipalalabas na rin ang pelikula ni Paulo kasama si Kylie Versoza

Sa media conference ng pelikula niyang 'Elevator' kung saan kasama si Kylie Versoza, natanong si Paulo Avelino kung sino pa sa mga leading ladies ngayon ang nais niyang makatrabaho sa big screen.

Paulo, nais na makatrabaho si Kathryn: "Baka maging bagay ako sa mga proyektong gagawin niya"
Paulo, nais na makatrabaho si Kathryn: "Baka maging bagay ako sa mga proyektong gagawin niya (Paulo Avelino)
Source: Instagram

"Si Kim na naman? Why not? Gusto ko naman siya katrabaho," agad na naisagot ni Paulo matapos isagot ng mga naroon ang pangalan ni Kim Chiu.

Subalit ayon kay Paulo, bukod kay Kim, nais din niyang makatrabaho si Kathryn Bernardo sa pelikula

Read also

Kylie Verzosa, 'di naniniwalang pwedeng maging kaibigan ang ex: "Respeto sa bagong partner"

"Si Kathryn, she is trying to transition into more mature roles baka maging bagay ako sa mga proyektong gagawin niya in the future," paliwanag ni Paulo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, sa naturang interview rin sinabi ni Kylie na fan siya ng KimPau. Katunayan, kinikilig umano siya sa mga eksena ng seryeng 'What's Wrong With Secretary Kim.'

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa ABS-CBN News:

Si Michael Paulo Lingbanan Avelino o mas kilala bilang si Paulo Avelino ay isang aktor, modelo at film producer sa bansa. Bumida na siya sa ilang pelikula at television series mula sa Kapuso at maging sa Kapamilya network. Sa kasalukuyan, usap-usapan si Paulo sa husay ng pagganap nito sa Linlang. Umani sila ng papuri sa publiko sa husay ng kanilang pagganap sa nasabing serye.

Read also

Melai, 15 taon na sa showbiz; tinaguriang "Asia's comedy queen"

Gumagawa na rin ng ingay ang bagong teleserye ni Paulo na muling pagbibidahan nila ni Kim Chiu. Ito ang Pinoy adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim. Ito ang pangalawang pagkakataon na nakatambal ni Paulo si Kim na patuloy tinatangkilik ng kanilang fans kung saan tinatawag na umano silang "KimPau."

Dahil dito, hindi maiwasang maiugnay ang pangalan ni Kim kay Paulo ngayong madalas ang proyekto nilang magkasama at sumabay pa ang pagiging single umano ng dalawa sakaling totoo man ang bali-balitang naghiwalay na muli sina Paulo at Janine.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel