Rosmar Tan, may mensahe sa mga patuloy na bumabatikos sa kanya
- Nagbahagi si Rosmar Tan Pamulaklakin ng mensahe para sa mga taong patuloy na humuhusga at gumagawa umano ng mga kuwentong hindi totoo tungkol sa kaniyang pagkatao
- Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Rosmar na hindi niya ikinababahala ang mga sinasabi ng kaniyang mga kritiko dahil kilala umano niya at ng mga taong nagmamahal sa kaniya ang kaniyang tunay na karakter
- Binigyang-diin din niya na nais niyang panatilihin ang kaniyang dignidad at malinis na konsensiya sa kabila ng mga batikos, habang iginiit ang kaniyang paninindigan sa harap ng mga paratang
- Sa huli, malinaw ang sinabi ni Rosmar tungkol sa kaniyang gagawin sa kabila ng mga puna, at ito ay ang pagpapatuloy sa isang bagay na matagal na rin niyang ipinapakita online
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbahagi ng mensahe si online personality at entrepreneur na si Rosmar Tan Pamulaklakin para sa mga taong patuloy na humuhusga sa kaniya at gumagawa umano ng mga kuwentong hindi totoo tungkol sa kaniyang pagkatao.

Source: Instagram
Sa isang pahayag, sinabi ni Rosmar na nauunawaan niyang may mga taong maaaring magkaroon ng sariling pananaw tungkol sa kaniya. Gayunman, iginiit niya na mas mahalaga para sa kaniya ang pagkakilala niya sa sarili at ang pagtitiwala ng mga taong tunay na nakakakilala sa kaniya.
Aniya, "Judge me all you want and make up fake stories about me. It's fine because I and the people who love me know my true character."
Sinabi rin ni Rosmar na maaaring maniwala ang ibang tao sa anumang kuwentong nais nilang paniwalaan tungkol sa kaniya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Go ahead! Just believe whatever you want.”
Sa kaniyang mensahe, binanggit din niya ang posibilidad na dumating ang panahon na mawala siya sa mundo. Sa halip na ituon ang kaniyang pahayag sa mga kritiko, sinabi niyang nais niyang umalis nang may dignidad at malinis ang kaniyang konsensiya.
“Even if the time comes that I pass away from this world? I will leave with dignity and a clean conscience.”
Kasunod nito, iginiit ni Rosmar na hindi umano mapatutunayan ng kaniyang mga kritiko ang mga kasinungalingang ipinapakalat nila tungkol sa kaniyang pagkatao.
“You won't be able to prove any of the lies you are spreading about who I am.”
Sa huling bahagi ng kaniyang mensahe, malinaw naman ang sinabi ni Rosmar tungkol sa kaniyang magiging tugon sa kabila ng mga puna.
“I will just keep on helping others.”
Ang pahayag ni Rosmar ay kasunod ng iba’t ibang usapin na naging bahagi ng kaniyang social media presence nitong mga nakaraang buwan. Bilang online personality at entrepreneur, madalas siyang nagbabahagi ng kaniyang mga gawain, negosyo, trabaho at personal na pananaw sa social media.
Noong Setyembre 4, nagbigay ng mensahe si Rosmar tungkol sa alitan ng lima niyang kaibigan at nilinaw niyang wala siyang kinakampihan. Sinabi niyang mahalaga sa kaniya sina Candy Andres Monroe, Mary Letim, Mari Fowler, Toni Fowler at Jelai Andres kaya ayaw niyang pumili ng panig. Ibinahagi rin niya ang naging karanasan nila ni Dave Villanueva, na anim na taon umanong nag-away bago nagkaayos at naging malapit muli.
Noong Agosto 25, naging usap-usapan ang video ni Rosmar kung saan ipinakita niya ang kaniyang bilis sa pagba-balot ng parcels. Sa isang minutong demonstration, apat na parcels umano ang kaniyang natapos at gumawa siya ng tinatayang computation para sa posibleng output sa loob ng walong oras. Nilinaw naman niya na maaaring magbago ang bilang kapag isinama ang oras na kailangan para sa iba pang bahagi ng packaging process.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


