Krystal Reyes, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Krystal Reyes, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

- Binahagi ni Krystal Reyes ang ilang picture na kuha nang mag-propose ang kanyang non showbiz boyfriend

- Base sa kanyang post naganap ang proposal at engagement nila sa kanilang pagpunta sa Basco, Batanes

- Sa isang pictue ay pinakita ni Krystal na suot niya ang engagement ring kalakip ng kanyang caption na 'I’d like to hang out with you for my whole life'

- Bumuhos naman ang pagbati sa Kapuso star na unang sumikat bilang child star na bumida sa seryeng Mga Mata ni Anghelita

Isinapubliko ng Kapuso star na si Krystal Reyes ang tungkol sa pag-propose sa kanyang ng kanyang non-showbiz boyfriend. Naganap ang kanilang engagement sa Basco Lighthouse sa Basco, Batanes.

Krystal Reyes, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend
Krystal Reyes, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend
Source: Facebook

Isang magarang setup habang palubog ang araw ang kanilang background habang makikitang nakaluhod ang kanyang boyfriend. Kalakip ng kanyang mga binahging pictures ay ang kanyang caption na tila sagot sa tanong ng boyfriend niya na 'Will You Marry me?"

Read also

Alex Gonzaga, binahagi ang video ng pagkikita nila ni Mikee matapos mawalay nang 9 na araw

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

I’d like to hang out with you for my whole life

Bumuhos naman ang pagbati sa Kapuso star. Narito ang ilan sa mga komento sa kanyang post:

Ay ikakasal na si idol,congrats pero di Ako makapaniwal kase batang crystal pa din Ang nakikita ko Sayo hehe baby face kasi
Wow Congrats Krystal ang galing mo artista lagi kita pinapanood kaya na sad ako na hindi na kita napanood sa tv
Parang kelan lang..now she's engaged na.. Congratulations

Si Krystal Reyes o Jolina Marie Bautista Reyesay nakilala sa kanyang pagganap sa teleseryeng Bakekang. Bumida ang Kapuso actress sa teleseryeng Mga Mata ni Anghelita kung saan gumanap siya bilang si Anghelita.

Kinilala siya ng PMPC Star Awards for Television bilang Best Children's Show Host kasama sina Pia Arcangel at Tonipet Gaba para sa palabas na Art Angel noong 2007.

Read also

Kim, sa posibilidad na makatrabaho si Xian sa GMA: "Hindi naman kami magkaaway"

Matatandaang marami ang lalong humanga sa pagiging madiskarte ng Kapuso actress na si Krystal Reyes. Ito ay matapos niyang pasukin na rin ang pag-oonline selling at hindi nito ikinahiya ang pagsabak sa live selling. Iba't-ibang klaseng mga damit ang kanyang ibinibenta at maging siya ay sinusuot ang mga damit para ipakita ito sa mga customer. Mayroon na rin siyang sarili niyang YouTube channel kagaya ng karamihan sa mga artista sa kasalukuyan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel