Alex Gonzaga, binahagi ang video ng pagkikita nila ni Mikee matapos mawalay nang 9 na araw

Alex Gonzaga, binahagi ang video ng pagkikita nila ni Mikee matapos mawalay nang 9 na araw

- Pinakita ni Alex Gonzaga ang video ng muli nilang pagkikita ng asawang si Mikee Morada

- Ito ay matapos nilang mawalay sa loob ng 9 na araw na nauna na ring naibahagi ni Alex

- Sinalubong ni Alex ang kanyang mister sa airport na pabiro rin niyang nilagpasan

- Marami naman ang kinilig lalo na sa reaksiyon ng mag-asawa na hindi naitago ang kanilang pagka-miss sa isa't-isa

Ibinida ni Alex Gonzaga ang muling pagkikita nila ng kanyang mister na si Mikee Morada. Base sa kanyang caption sa ibinahaging video sa TIkTOk, 9 na araw silang nagkawalay ng asawa.

Alex Gonzaga, binahagi ang video ng pagkikita nila ni Mikee matapos mawalay nang 9 na araw
Alex Gonzaga, binahagi ang video ng pagkikita nila ni Mikee matapos mawalay nang 9 na araw
Source: Instagram

Pinuntahan ni Alex si Mikee sa airport. Patakbo siyang lumapit sa mister ngunit biniro niya ito na kunwari ay lalagpasan niya ito.

Agad naman niyang niyakap si Mikee matapos ang kanyang biro. Todo-ngiti din si Mikee na makita ang asawa.

Read also

Mayor Niña Jose, naggpaliwanag tungkol sa mabahong mic: "Hindi ginamit ng sinuman bago ko gamitin"

Narito ang ilang komento:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Yung ngiti ni Mikee ibang iba dun sa “katerin umaga na
Kararating lang ni mike kulit mo na agad ate Alex cu
Hahhaha ang kulit... lalo ng patatawid siya... parang batang makulit langhow sweet

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Read also

Toni Fowler, binasag ang dalawang cellphone ni Paye para disiplinahin ito

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel