Toni Fowler, binasag ang dalawang cellphone ni Paye para disiplinahin ito

Toni Fowler, binasag ang dalawang cellphone ni Paye para disiplinahin ito

- Napagsabihan ni Toni Fowler at ng ibang members ng ToRo family si Paye Galang

- Kaugnay ito sa pagtabi niya ng kanyang cellphone habang natutulog na umabot sa puntong napindot niya ito at naka-live sa TikTok habang natutulog siya

- Sinabihan siyang dapat ay nakalagay ito nang hindi malapit sa kanya pag natutulog ngunit naulit na nakitang hawak niya ang cellphone niya nang tulog

- Dahil dito ay binasag ni Toni ang dalawang iPhone na siya din mismo ang nagbigay kay Paye

Naiyak si Paye Galang habang tinitingnan ang kanyang dalawang iPhone na binasag ni Toni Fowler. Ginawa ito ni Toni para disiplinahin si Paye.

Toni Fowler, binasag ang dalawang cellphone ni Paye para disiplinahin ito
Toni Fowler, binasag ang dalawang cellphone ni Paye para disiplinahin ito
Source: Youtube

Sa kanilang panibagong video, napagsabihan si Paye matapos niyang makatulog at hindi sadyang napindot ang cellphone kaya naka-live siya sa TikTok.

Paliwanag ni Toni, para ito sa kaligtasan nila. Maging ang ilang kasamahan nila ay napagsabihan din si Paye. Gayunpaman, muli ay nakita siyang tulog habang hawak ang kanyang cellphone.

Read also

Cristy Fermin, napuri si Julia Barretto: "Prim and proper"

Imbes na ma-stress ay binato ni Toni ang dalawang cellphone na siya din mismo ang nagbigay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Kristel Fulgar, binahaging inoperahan siya sa Korea dahil sa tumor sa binti

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel