Cristy Fermin, napuri si Julia Barretto: "Prim and proper"

Cristy Fermin, napuri si Julia Barretto: "Prim and proper"

- Aminadong bilib umano si Cristy Fermin kay Julia Barretto

- Kapansin-pansin umano ang pagiging 'prim and proper' ng aktres

- Ito ay sa kabila ng mga intrigang naibato sa kanya, sa pamilya o maging sa kanyang love life

- Alam daw ni Julia kung kailan magsasalita at kung ano lang ang dapat sabihin

Napuri ni Cristy Fermin ang aktres na si Julia Barretto.

Cristy Fermin, napuri si Julia Barretto: "Prim and proper"
Julia Barretto (@juliabarretto)
Source: Instagram

Ito ay matapos nilang matalakay sa Showbiz Now Na! ang nag-viral na pagkikita nina Julia at ni Bea Alonzo sa isang event.

Matatandaang pinaniniwalaan umano ng marami na si Julia ang dahilan ng sinasabing 'ghosting' na nagawa raw ni Gerald Anderson kay Bea.

Subalit sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang naturang kontrobersiya, nakita nang nagpansinan ang dalawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Kim, sa posibilidad na makatrabaho si Xian sa GMA: "Hindi naman kami magkaaway"

Dahil dito, nabanggit ni Cristy ang umano'y paghanga niya kay Julia.

"Alam mo itong batang ito, kahit sinasabi nilang maldita, prim and proper," ani Cristy.

"Alam niya kung ano ang kanyang sasabihin, kung kailan niya sasabihin," dagdag pa nito.

Sa kabila umano ng kabi-kabilang kontrobersiya, alam ni Julia kung ano lang ang maari niyang sabihin sa publiko, bagay na hinahanggan sa kanya ng marami.

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Cristy patungkol kay Julia Barretto mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Julia Barretto ay isang aktres sa Pilipinas. Anak siya ng mga artistang sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Minsan na rin niyang nakarelasyon si Joshua Garcia at sa kasalukuyan, nobyo niya ang aktor na si Gerald Anderson.

Matatandaang muling naging usap-usapan si Julia matapos na mag-post ng ama nitong si Dennis Padilla ng mensahe niya para sa mga anak kay Marjorie Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.

Read also

Ogie D sa nag-viral na larawan ni Angel Locsin kamakailan: "Old photo raw 'yan"

Subalit sa kaarawan ni Dennis ngayong taong 2024, tila isa itong hudyat ng magandang simula ng taon nang makatanggap siya ng mensahe mula sa anak na si Julia. Aminado si Dennis na naging emosyonal siya sa mensahe at sana'y makausap at makasama na rin niya si Julia, maging sina Claudia at Leon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel