Kim, sa posibilidad na makatrabaho si Xian sa GMA: "Hindi naman kami magkaaway"

Kim, sa posibilidad na makatrabaho si Xian sa GMA: "Hindi naman kami magkaaway"

- Natanong si Kim Chiu sa umano'y posibilidad na makatrabaho ang ex na si Xian Lim

- Ito ay matapos na magkapirmahan ng kontrata ang GMA at ABS-CBN para sa "It's Showtime"

- Maari umano itong mangyari gayung Kapuso actor si Xian

- Sa Abril 6 ay mapapanood na rin ang "It's Showtime" sa GMA

Natanong si Kim Chiu kung willing ba umano ito na makatrabaho ang ex niyang si Xian Lim.

Kim, sa posibilidad na makatrabaho si Xian sa GMA: "Hindi naman kami magkaaway"
Kim Chiu (@chinitaprincess)
Source: Instagram

Ito ay matapos na maganap ang inaabangan ng marami na merging ng ABS-CBN at GMA para sa programang It's Showtime na kinabibilangan ni Kim.

Sa panayam sa kanya ng Saksi, nakangiting sinagot ni Kim ang nasabing katanungan.

"Okay lang naman mag-guest siya sa ano, Showtime. Or mag-prod siya," ani Kim.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Alex Gonzaga, binahagi ang video ng pagkikita nila ni Mikee matapos mawalay nang 9 na araw

"Hindi naman kami magkaaway," paglilinaw pa ni Kim.

Bago mag-pasko noong 2023, kinumpirma nina Km at Xian ang pagtatapos ng nasa 12 taon nilang relasyon.

Samantala, narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Kim mula sa GMA Integrated News YouTube:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong nito tungkol kay Xian.

Isa na rito ang aktres na si Maricel Soriano kung saan hayagang nausisa noon si Kim kung kumusta na nga ba ang estado ng relasyon nito sa kanyang nobyo. Hindi pa noon nakukumpirma ng 'KimXi' ang kanilang hiwalayan kaya naman ang sagot ni Kim sa Diamond Star 'naka-hang' daw ang kanyang love life sa panahong iyon.

Read also

Cristy Fermin, napuri si Julia Barretto: "Prim and proper"

Samantala, sa panayam ni Dr. Vicki Belo kay Kim kamakailan, natanong siya nito kung ano ang estado ng kanyang puso sa ngayon. Nilarawan niya ito na "a little empty."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel