Ogie D sa nag-viral na larawan ni Angel Locsin kamakailan: "Old photo raw 'yan"

Ogie D sa nag-viral na larawan ni Angel Locsin kamakailan: "Old photo raw 'yan"

- Natalakay ni Ogie Diaz ang nag-viral kamakailan na larawan ni Angel Locsin

- Inakala ng marami na ito umano ang latest photo ni Angel na matagal nang hindi nakikita sa publiko

- Ani Ogie, patuloy sanang irespeto ang private life ngayon ni Angel gayung deserve naman ito ng aktres

- Matatandaang minsan nang naibahagi ni Ogie Diaz ang kaganapan sa aktres na matagal ding namahinga sa social media at sa mata ng publiko

Natalakay nina Ogie Diaz, Tita Jegs at Dyosa Pockoh sa Ogie Diaz Showbiz Update ang tungkol sa nag-viral kamakailan na post na umano'y bagong larawan ni Angel Locsin.

Ogie D sa nag-viral na larawan ni Angel Locsin kamakailan: "Old photo raw 'yan"
Angel Locsin (Angel Locsin FB)
Source: Facebook

Marahil sa pananabik na makitang muli ang aktres, inakala talaga ng marami na latest photo/video ito ni Angel.

"Pero sa totoo lang, 'yung picture na 'yan ay matagal na raw. Old photo raw 'yan. So talagang hindi pa raw lumalabas si Angel," ani Ogie.

Read also

Miles Ocampo, inaming inaayos nila ni Elijah Canlas ang kanilang relasyon

Aniya, isa sa pinagkakaabalahan ni Angel ngayon ay ang kanyang mga games.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Wala pa. Kasi ang alam ko, si Angel ay busy. Kakapindot... gamer kasi siya. 'Yun ang pinagkakaabalahan niya"

Nagpaalala na rin si Ogie patungkol sa respeto para kay Angel kung ayaw pa rin nitong magparamdam sa publiko.

"'Wag natin munang pilitin si Angel kung ayaw pa niyang lumabas"

"Kung ine-enjoy pa ni Angel ang kanyang private life. At syempre 'yung na-discover ni Angel na nakakapagpasaya pa sa kanya lalo yung kanyang gaming. Ibigay natin kay Angel 'yung kasi deserve niya yun."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Agosto 7 noong 2021 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa agaran niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng matinding kagipitan sa buhay lalo na nang magsimula ang pandemya kung saan bukod sa marami ang nagkasakit, marami rin ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Read also

Senyora sa picture nila Marian at Kiray: "Hindi pa pinapalabas kilala ko na agad yung Alien"

Kilala siya sa tahimik ngunit mabilis na tumutulong sa ating mga kababayang nasasalanta ng iba't ibang kalamidad. Dahil dito, kabi-kabilang papuri ang kanyang natatanggap at isa na rito si Cristy Fermin na hayagan ang pagsasabi ng magagandang salita kay Angel Locsin. Pinili muna ni Angel na magpahinga sa social media at wala rin umano sa kanyang mga kaibigan ang naglalabas ng kanyang larawan sa ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel