Mayor Niña Jose, naggpaliwanag tungkol sa mabahong mic: "Hindi ginamit ng sinuman bago ko gamitin"

Mayor Niña Jose, naggpaliwanag tungkol sa mabahong mic: "Hindi ginamit ng sinuman bago ko gamitin"

- Minabuti ni Mayor Niña Jose na magpaliwanag kaugnay sa nagviral na video clip tungkol sa kanyang pagpapalit ng microphone

- Kalakip ng kanyang mensahe ay binahagi niya ang buong video kung saan kinuha ang naturang video clip

- Nilinaw niya rin na hindi niya intensiyon na mamahiya ng tao at wala namang gumamit ng microphone na gamit niya dahil matagal lang daw itong nakatago

- Dagdag pa niya, kilala siya ng kanyang mga malalapit na kaibigan at LGU family niya na nagbibitiw siya ng aniya'y weird statements

Binahagi ni Bayambang Mayor Niña Jose ang buong video kung saan kinuha ang video clip kaugnay sa pagpapalit niya ng mic. Nilinaw niya rin na hindi niya intensiyon na mamahiya ng tao at wala namang gumamit ng microphone na gamit niya dahil matagal lang daw itong nakatago.

Mayor Niña Jose, naggpaliwanag tungkol sa mabahong mic: "Hindi ginamit ng sinuman bago ko gamitin"
Mayor Niña Jose, naggpaliwanag tungkol sa mabahong mic: "Hindi ginamit ng sinuman bago ko gamitin"
Source: Facebook

Makikita sa video na kanyang binahagi na hawak ng taong nagsalita bago siya magtalumpati ang microphone at bitbit nang paalis siya. Dumampot naman ng mic si Mayor Niña nang makarating ito sa podium.

Read also

Toni Fowler, binasag ang dalawang cellphone ni Paye para disiplinahin ito

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Niña Jose o Mary Claire Niña José-Quiambao sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong taong 2006. Taong 2017 nang ikasal siya kay Cezar Quiambao na isang politiko at businessman mula Bayambang, Pangasinan.

Para sa tanong ng kanyang mister kung magpapakasal pa siyang muli sakaling mauna siyang pumanaw, diretsahan ang naging sagot ni Niña Jose. Aniya, hindi na siya magpapakasal muli sakaling mangyari ang ganoong bagay. Nagkasubukan ang mag-asawa sa husay sa pagsagot sa mga katanungan nila sa isa't-isa sa kanilang Lie Detector Challenge. Ito ay kanilang ibinahagi sa pagdiriwang ng kanilang wedding anniverary upang maipakita sa publiko at mas makilala pa silang mag-asawa.

Hindi ipinagkaila ni Mayor Cezar Quiambao na si Niña ang kanyang greatest love. Inamin niya ito matapos itanong sa kanya ng misis ang tungkol dito sa kanilang ginawang Lie Detector Challenge. Aminado din itong na love at first sight siya sa misis na una munang naging kaibigan bago niya naging karelasyon. Naiintriga at nahuhusgahan man dahil sa kanilang 33 taong agwat ng kanilang edad, laging ibinabahagi ni Niña kung gaano niya kamahal ang kanyang mister.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel