Toni Fowler, umalma sa nagkomento tungkol sa kanilang reality show

Toni Fowler, umalma sa nagkomento tungkol sa kanilang reality show

- Inalmahan ni Toni Fowler ang isang netizen na nagkomento tungkol sa kanilang naibahagi sa kanilang reality show

- Sinabi ng naturang netizen na malungkot daw ang buhay ni Toni dahil maging ang kanilang pribadong buhay ay pinapakita pa nila

- Ani Toni, pinapakita lang nila ang realidad ng buhay at kung gusto daw ng naturang netizen ay pabebe ay ibang YouTuber ang kanilang panonoorin

- Sa naturang episode ng kanilang reality show ay naging paksa nina Toni at Vince Flores ang tungkol sa kanilang prblema

Sinagot ni Toni Fowler ang komento ng isang netizen tungkol sa pagkuwestiyon nito sa binabahagi nina Toni sa kanilang reality show. Ani Toni, pinapakita lang nila ang realidad ng buhay at kung gusto daw ng naturang netizen ay pabebe ay ibang YouTuber ang kanilang panonoorin.

Toni Fowler, umalma sa nagkomento tungkol sa kanilang reality show
Toni Fowler, umalma sa nagkomento tungkol sa kanilang reality show
Source: Youtube

Naging paksa nina Toni at Vince ang tungkol sa pagpapahayag ni Toni ng kanyang sama ng loob na tila siya lang ang gumagawa ng paraan para magkaroon sila ng anak.

Read also

Alex Gonzaga sa asawa: "Kahit magkahiwalay tonight, tabi parin tayo matulog"

Ani Toni ilang beses na daw nilang naging problema ito kaya gusto na daw ni Toni na mag-pills na lang daw para hindi na siya madismaya.

Kinalaunan ay napag-usapan din nila nang maayos ang kanilang problema at nagkaintindihan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Toni Fowler, umalma sa nagkomento tungkol sa kanilang reality show
Toni Fowler, umalma sa nagkomento tungkol sa kanilang reality show
Source: Instagram

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Cherry White, napagbintangan daw na nang-hack matapos magka-problema ang Facebook

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel