Alex Gonzaga sa asawa: "Kahit magkahiwalay tonight, tabi parin tayo matulog"

Alex Gonzaga sa asawa: "Kahit magkahiwalay tonight, tabi parin tayo matulog"

- Binahagi ni Alex Gonzaga ang kanyang picture habang yakap ang unan na nakalagay ang mukha ng asawang si Mikee Morada

- Aniya, kahit magkahiwalay sila ay tabi pa rin sila matulog dahil sa unan na ito

- Nakalagay din sa kanyang hashtag ang #Clingywiferockzzz na tila pag-amin na clingy siya sa mister

- Umani naman ng komento at reaksiyon ang post na ito ni Alex at kabilang ang ate niyang si Toni Gonzaga sa nag-komento sa kanyang post

Kinaaliwan ang post ni Alex Ginzaga kung saan binahagi niya ang picture niyang yakap-yakap ang unan na may mukha ng kanyang mister na si Mikee Morada. Aniya, kahit magkahiwalay sila ay tabi pa rin sila matulog dahil sa unan na ito.

Alex Gonzaga sa asawa: "Kahit magkahiwalay tonight… tabi parin tayo matulog"
Alex Gonzaga sa asawa: "Kahit magkahiwalay tonight… tabi parin tayo matulog"
Source: Twitter

Tila naman pag-amin ni Alex na clingy siya dahil sa ginamit niyang hashtag na #Clingywiferockzzz.

Umani naman ng komento at reaksiyon ang post na ito. Narito ang ilang komento:

Read also

Cherry White, napagbintangan daw na nang-hack matapos magka-problema ang Facebook

Matutulog nlng nka sombrero pa

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Yung nkangiti pa din kahit tulog
Pillow pala. Inisip ko pa na matutulog nannaka cap pa.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.5 million na subscribers sa kasalukuyan.

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Read also

Boy Tapang, nagsalita tungkol sa paghihiwalay nila ni Cherry White

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel