Boy Tapang, nagsalita tungkol sa paghihiwalay nila ni Cherry White

Boy Tapang, nagsalita tungkol sa paghihiwalay nila ni Cherry White

- Nagsalita si Boy Tapang kaugnay sa dahilan ng hiwalayan nila ni Cherry White

- Sa isang live video naglabas ng maaanghang na salita si Boy Tapang at sinabing binubugbog daw siya ni Cherry White

- Umabot pa raw sa puntong pinagbantaan nito ang buhay niya gamit ang patalim

- Aniya, may mga patunay siya at handa siyang harapin daw ang dating karelasyon kahit umabot sila kay Sen. Tulfo

Nagsalita na si Boy Tapang tungkol sa aniya'y totoong dahilan ng paghihiwalay nila ni Cherry White. Aniya, binubugbog daw siya nito at umabot pa raw sa puntong pinagbantaan nito ang buhay niya gamit ang patalim.

Boy Tapang, nagsalita tungkol sa paghihiwalay nila ni Cherry White
Boy Tapang, nagsalita tungkol sa paghihiwalay nila ni Cherry White
Source: Facebook

Aniya, may mga patunay siya at handa siyang harapin daw ang dating karelasyon kahit umabot sila kay Sen. Tulfo. Sinabi niya rin na siya mismo ang nakipaghiwalay kay Cherry White.

Matatandaang inalmahan ni Boy Tapang ang mga naging pahayag ni MG sa kanyang partner na si Cherry White. Ani Boy Tapang, noong una daw ay nag-message si MG sa kanila na gagawa daw siya ng content na pangpa-hype lang.

Read also

Cherry White, napagbintangan daw na nang-hack matapos magka-problema ang Facebook

Hindi natuwa si Boy Tapang sa mga naging pahayag ni MG sa kanila ng partner niyang si Cherry White. Hinayaan lang daw nila noong una dahil nagsabi pa daw ito sa kanila na gagawa siya ng video na pangpa-hype lang..

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Boy Tapang ay isang content creator na nakilala sa kanyang vlogs kung saan kadalasan ay nag-mumukbang siya ng mga prutas at iba pang pagkain sa kanilang lugar at kakaibang content kung saan wala siyang inaatrasan. Kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit dalawang milyong subscribers sa YouTube at maghigit dalawang milyon din sa Facebook.

Matatandaang minsan nang na-feature ang kakaibang love story nina Boy Tapang at LJ sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan humakot ito ng 10M views sa loob lamang ng isang araw. Marami ang napa-sana all sa kanilang pag-iibigan lalo na ang mga kalalakihan at nabigyan sila ng pag-asang makahanap ng tulad ni LJ.

Read also

Cherry White: "Kalalaki mong tao para magpuputak ka nang ganyan"

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ang tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Boy Tapang at umano'y girlfriend nitong si LJ Satterfield dahil sa pasaringan umano ng dalawa online. Matatandaang minsan na silang nai-feature sa KMJS at nagpakilig sa marami dahil sa kanilang kakaibang love story.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel