Boy Tapang at GF na minsang na-KMJS ang love story, nagkaka-iringan umano sa socmed

Boy Tapang at GF na minsang na-KMJS ang love story, nagkaka-iringan umano sa socmed

- Maingay ngayon ang vlogger na si Boy Tapang at umano'y girlfriend nitong si LJ Satterfield dahil sa pasaringan umano ng dalawa online

- Matatandaang minsan na silang nai-feature sa KMJS at nagpakilig sa marami dahil sa kanilang kakaibang love story

- Subalit ngayon, kanya-kanyang pasaringan umano ang mababasa sa kani-kanilang social media page

- Kilala si Boy Tapang sa mga kakaibang vlog niya na base na rin sa kanyang pangalan at wala itong inuurungan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mabilis na naging usap-usapan ngayon ang patutsadahan nina Ronnie Suan o mas kilala bilang si Boy Tapang at ang girlfriend nitong si LJ Satterfield.

Boy Tapang at GF na minsang na-KMJS ang love story, nagkaka-iringan umano sa socmed
LJ Satterfield and Boy Tapang (Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na mainit ngayon ang pangalan ng dalawa sa social media dahil umano sa 'di pagkakaintindihan ng dalawa.

Sa kani-kanilang page, mababasa ang kani-kaniyang pahayag tungkol sa nangyayari sa kanilang relasyon.

Read also

Ivana, hinahanap ang 'cute' guy na naabutan ng chocolates at flowers ng kanyang Ate Amira

Maging ang post ni LJ noong Valentine's Day kung saan pinasalamatan nito ang umano'y nagpadala ng mga bulaklak at donuts ay sinopla ni Boy Tapang at sinabing hindi sa kanya galing ang mga ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Klarohin ko lang. Hindi ako nagbigay ng bulaklak na iyan. So alam niyo na. Kapal ng mukha no na as if ako ang nagpadala. Ano ibig sabihin diyan? Manggagamit," caption ni Ronnie sa shared post mula kay LJ.

Samantala, sa page naman ng binansagang 'Girl Tapang', tila may pagbabanta di umano ito sa isang post ni Ronnie tungkol sa paglalabas ng katotohanan sa kanilang dalawa.

"Ronnie Suan, hahahahahaha. Ako ang magsasabi kaya save your energy Boy Hambog," matapang na pahayag ni LJ.

Narito ang ilan sa mga screenshots ng kanila umanong bardagulan online:

Read also

Cristy Fermin, hindi na raw nagulat sa pag-amin nina AJ at Aljur

Matatandaang minsan nang na-feature ang kakaibang love story nina Boy Tapang at LJ sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Marami ang napa-sana all sa kanilang pag-iibigan lalo na ang mga kalalakihan at nabigyan sila ng pag-asang makahanap ng tulad ni LJ.

Sa sweetness na ipinakita nila sa naturang interview, inakala ng marami na tatagal ang dalawa at mauuwi sa kasalan ang kanilang pag-iibigan. Kaya naman gumulantang sa publiko ang kanilang pasaringan ng dalawa na may kanya-kanyang sumbat sa nangyari sa kanilang 'tandem.'

Gayunpaman, walang maayos na kumpirmasyon kung tuluyan nang naghiwalay ang dalawa kaya marami ang umaasang magkakaayos pa ang mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel