Na-feature sa KMJS na umano'y agad naghiwalay dahil sa "girl BFF", nagkabalikan na
- Nagkabalikan na umano ang nag-viral na bagong kasal na sina Jorryme at Ales Vodisek
- Matatandaang nag-viral umano ang dalawa dahil sa kakaibang kinikilos umano ni Ales at ng girl best friend nito
-Hindi nagtagal, agad ngang nagkahiwalay sina Jorryme at Ales Vodisek at na-feature pa ang kwento nila sa KMJS
- Subalit ngayon, "love is sweeter the second time around" na raw para sa dalawa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Muling nag-viral sina Jorryme at Ales Vodisek na minsan nang na-feature ang love story sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).
Nalaman ng KAMI na kung dati, pumukaw ng atensyon ang kwento ng dalawa dahil sa mabilis nilang hiwalayan, ngayon naman ay dahil sa nagkabalikan na umano sila.
Matatandaang gumawa ng ingay sa social media ang kwento nila matapos na mapanood ang video footage ng kanilang kasalan kung saan tila mas malapit at mas masaya pa si Ales at ang girl best friend nito.
Ito umano ang kwentong naibahagi nila sa KMJS, dahilan para labis na kaawaan noon ng marami si Jorryme.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Subalit kamakailan, muling pumukaw ng atensyon sa social media ang dalawa nang makitang sweet na sweet muli ang mga ito.
Sa umano'y Facebook page ni Jorryme na 'Jo Ray', makikita ang ilang mga updates sa kanila ni Ales.
Sa isa nga nilang larawan, may caption pa itong "A philosopher once said: 'Di baleng marupok, 'wag lang maging k*bit"
Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.
Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.
Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.
Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.
Maging ang mga kakaibang love story tulad ng kanina Jorryme at Ales ay naitatampok din sa programa tulad na lamang ng kwento ng magkababatang sina Ken at Yen na muling nagkita sa tulong ng KMJS.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh