Cristy Fermin, inalmahan ang mga nagpapakalat ng fake news ukol kay KC Concepcion

Cristy Fermin, inalmahan ang mga nagpapakalat ng fake news ukol kay KC Concepcion

- Inalmahan ni Cristy Fermin ang mga nagpapakalat ng fake news tungkol kay KC Concepcion

- Isa umanong vlogger ang gumawa umano ng kwento na nagsasabing kasal na KC at nagdadalang-tao pa

- Pinaalalahanan ni Cristy na huwag umano bastang maniniwala sa mga balitang wala umanong matibay na basehan

- Maaalalang sa concert nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta, naroon si KC at makikita raw umano na hindi ito buntis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma si Cristy Fermin sa mga tahasang nagpapakalat ng fake news ukol kay KC Concepcion.

Cristy Fermin, inalmahan ang mga nagpapakalat ng fake news ukol kay KC Concepcion
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: Facebook

Matatandaang kamakailan, napabalitang ikinasal na si KC sa kanyang nobyong si Steve Michaels at kumalat ding nagdadalang-tao na ito.

Isa umanong vlogger ang nagpakalat ng fake news na ito na talaga namang walang katotohanan.

"Kahit isa, dalawa, tatlo, apat, lima lang po o maramihan ang nagsu-subscribe, o tumututok, mali pa rin po dahil fake news ang ating pinakakalat"

Read also

Mommy Raquel, pinabulaanang bumabalik umano si Jake Zyrus kina Oprah at David Foster

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ito po ay tungkol kay KC Concepcion kung bakit naman sa nakuha nung vlogger na ito 'yung balita na nagpakasal na raw po sila ni Steve Michaels sa Switzerland. At dumalo ha. may mga pictures, may mga video. Dumalo raw si Sharon Cuneta, sina dating senador Kiko Pangilinan. At nandu'n si Gabby Concepcion."
"Pagkatapos nun, meron pa raw isyu na nagparetoke si KC at ngayon, buntis na si KC."

Kaya paalala ni Cristy, 'wag basta maniniwala sa mga usap-usapang walang sapat na basehan.

"Grabe po talaga. Kaya dapat mag-iingat po tayo, dahil ang dami pong fake news na kumakalat talaga ngayon."

Paalala pa niya, mapapansing sa concert nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta, naroon si KC at makikita raw umano na hindi ito buntis

"Nung nakaraang concert nina Sharon at Gabby, of course may participation na mahalaga si KC. Kasama niya si Steve michael. At si KC po, kitang-kita naman natin na hindi siya nagdadalang tao. At wala pong nagbago sa kanyang itsura. At hindi pa po sila kasal sa totoo lang. Pero bakit kinakaya nilang ibalita na nagpakasal. Bago nagpakasal nag-prenuptial pa."

Read also

Cristy, sinabing nadadawit si Annabelle Rama sa umano'y isyu nina Richard at Sarah

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at ng kilalang aktor na si Gabby Concepcion.

Sa naging interview ni Ogie Diaz kay Megastar, nasabi nitong napakabuti ng kanyang anak subalit hindi lamang umano nagkakatugma minsan ang kanilang mga ugali.

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez, nabanggit ni Cristy ang kaniya umanong paghanga kay Sharon Cuneta kung paano nito napalaki ng maayos ang anak na si KC na malapit pa rin sa kanyang ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel