Cristy, sinabing nadadawit si Annabelle Rama sa umano'y isyu nina Richard at Sarah

Cristy, sinabing nadadawit si Annabelle Rama sa umano'y isyu nina Richard at Sarah

- Nabanggit ni Cristy Fermin na napagdidiskitahan umano si Annabelle Rama na posibleng dahilan ng hiwalayan nina Richard at Sarah

- Matatandaang kamakailan, lumabas ang espekulasyong hiwalay na ang dalawa

- Bagama't wala pang kumpirmasyon, kanya-kanyang haka-haka ang publiko sa maaring dahilan

- Isa na rito ang ina ni Richard na umano'y nakaalitan daw noon ng ina ni Sarah Labhati

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mainit na isyung natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ay ang usap-usapan na hiwalay na umano sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Cristy, sinabing napagdidiskitahan umano si Annabelle Rama sa hiwalayang Richard at Sarah
Richard Gutierrez and Sarah Lahbati (@sarahlahbati)
Source: Instagram

Wala pa mang kumpirmasyon, aminado si Cristy na nalungkot sa nababalitang ito.

"Unang dinig ko sa kwentong ito, ako'y malungkot na malungkot," ani Cristy na hindi umano naniniwalang third party ang dahilan ng maugong na hiwalayan.

Read also

Mommy Raquel, pinabulaanang bumabalik umano si Jake Zyrus kina Oprah at David Foster

"Pero alam mo, hindi ako naniniwala doon sa third party. Kung meron, noon pa dapat 'yan. Wala namang bagay na bigla e, 'di ba?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, nabanggit niyang tila napapagdiskitahan ngayon ay si Annabelle Rama at ang dating naging hidwaan umano nito sa ina ni Sarah Labhati.

"Ang unang-una nilang pinagdidiskitahan na naging dahilan ng problemang ito, kung totoo nga na hiwalay na sila 'yun bang nangyaring hindi pagkakaunawaan ni Tita Annabelle Rama at mommy ni Sarah Labhati. nagkasagutan 'yun e. 'yun talaga 'yung inuungkat at binabalikan ngayon"

Gayunpaman, marami ang umaasang hindi totoo ang hiwalayan lalo na at makikita pa naman ang iba pang larawan nina Richard at Sarah noon na magkasama sa kani-kanilang Instagram account.

Narito ang kabuuan ng naging talakayan nina Cristy sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!

Read also

Mommy Raquel, nami-miss na si Jake Zyrus: "Nagri-reach out naman ako sa kanya"

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang may bahay ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang My Monster Mom kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Matatandaang naging usap-usapan noon si Ruffa nang ibahagi nito ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nila noong pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling nagkikita ang mag-aama.

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel