KMJS, isiniwalat ang pagtulong ni Luis Manzano; "Maraming salamat Luis"

KMJS, isiniwalat ang pagtulong ni Luis Manzano; "Maraming salamat Luis"

- Naibahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang umano'y nadadalas na pagtulong ni Luis Manzano sa mga naitatampok nila sa kanilang programa

- Ito ay matapos na magkasabay umano sila sa isang lugar kung saan pareho silang may taping

- Dahil dito, umani ng papuri si Luis dahil sa likas na pagtulong nito sa kapwa

- Matatandaang maging sa kanya noong programang I can see your voice, madalas na sa kanya mismong bulsa nanggagaling ang mga tulong na ibinahabagi niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isiniwalat ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang kabutihan ng puso sa pagtulong ni Luis Manzano.

KMJS, isiniwalat ang pagtulong ni Luis Manzano; "Maraming salamat Luis"
Luis Mazano (@luckymanzano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na sa isang post ng KMJS, ipinakita ang larawan ni Jessica Soho kasama si Luis.

Ito ay dahil sa nagkasabay umano ang taping ng kani-kanilang mga programa sa iisang lokasyon.

Read also

Sunshine Cruz, nakiusap sa isang netizen na huwag i-flood ng negativity ang page niya

Dahil dito, naibahagi ng programa ang umano'y nadadalas na pagpapaabot ng tulong ni Luis sa mga nangangailangan na naitampok sa KMJS.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Lingid po sa kaalaman ng marami, nagkakatapat man dati ang aming mga programa, ilang beses nagpaabot ng tulong si Luis sa mga itinampok naming nangangailangan. Muli, maraming salamat Luis"

Matatandaang sa programa niya noon na 'I can see your voice', siya mismo ang nagbibigay tulong sa ilang contestants na labis na nangangailangan nito.

Isa na rito ang contestant noon ng isang flight attendant na nangangailangan ng nasa Php250,000 na halaga ng pera sa pagpapagamot.

Sa ulat ng Bandera, hindi umano nagdalawang isip si Luis na tulungan ito.

Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.

Read also

Andrew Schimmer, piniling lumipat ng tirahan para mas malapit sa pamilya ng asawa

Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.

Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.

Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.

At maging ang pagkawala ng isang 22-anyos na dalagang si Jovelyn Galleno kamakailan sa Palawan ay naitampok din sa KMJS na nakipagtulungan umano sa mga awtoridad upang mas mapadali ang paghahanap dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica