Magsasaka sa KMJS na nagpaiyak sa marami, muling nabigyan ng tulong

Magsasaka sa KMJS na nagpaiyak sa marami, muling nabigyan ng tulong

- Muling binisita ni vlogger na si 'King Luckss' ang natulungan niyang magsasaka na naitampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho

- Ipinaalam niya rito na marami ang nakapanood ng video nito at talagang napaiyak sa kalagayan nito sa buhay

- Makikitang masaya na si Tatay Richard na labis pa rin ang pasasalamat sa vlogger

- At dahil malayo sa kabihasnan ang tirahan at palayan ni Tatay Richard at kanyang pamilya, binigyan pa sila ng vlogger ng solar panel gayung walang koneksyon ng kuryente sina Tatay Richard

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinumusta at muling binisita ng vlogger na si Lucky o mas kilala bilang si King Luckss ang magsasakang natulungan niya na si Tatay Richard.

Nalaman ng KAMI na si Tatay Richard ang minsang naging bahagi ng 'Kindness experiment' ni Lucky kung saan nagpanggap siyang nanghihingi ng maiinom at malayo pa ang kanyang nilakbay.

Read also

Zeinab Harake at Luis Manzano, nabigyan ng Php76,000 ang misis ng isang may sakit

Magsasaka sa KMJS na nagpaiyak sa marami, muling nabigyan ng tulong
Ang vlogger na si KingLuckss at si Tatay Richard sa muli nilang pagkikita (Photo from KingLuckss)
Source: Facebook

Bukod sa tubig, binigyan pa siya ni Tatay Richard ng pagkain na kanin at tuyo sa awa raw sa pag-aakalang totoong nauuhaw at nagugutom ito.

BIlang kapalit ng kanyang kabutihan, isa ang kahilingang kalabaw ni Tatay Richard ang naibigay sa kanya ni Lucky.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naitampok din ang kanilang kwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan marami ang naluha sa kwento ng kanilang pagtutulungan na talagang kinapulutan ng inspirasyon at maraming aral sa buhay.

Sa pagbabalik ni Lucky sa lugar ni Tatay Richard, mababakas na rito ang mga ngiti sa sobrang saya sa mga natanggap nitong biyaya.

Muli siyang nagpasalamat kay Lucky at hanggang ngayon ay hindi makapaniwalang mayroon na silang kalabaw na magagamit sa pagsasaka at marami pang ibang mga grasyang hindi nila inaasahang matatanggap.

At sa pagdalaw ngang iyon ni Lucky, dinalhan pa niya ng solar panel ang pamilya nina Tatay Richard gayung sa layo ng kanilang lugar, wala raw silang koneksyon ng kuryente.

Read also

Alexa kay Brenda: "Natatawag na niya akong mukhang tanga at desperada”

Narito ang nakaaantig-puso nilang video mula sa YouTube channel ni KingLuckss:

Nakatutuwang isipin na dumarami na sa ating mga kababayan na palagian na ang pagtulong sa kapwa na nangangailangan.

Tulad ni KingLuckss, isa rin ang vlogger na si Virgelyn ng Virgelyncares 2.0 ang labis na hinahangaan ng marami pagdating sa pagtulong at pagpapasaya sa ating mga kababayang naghihikahos.

Matatandaang si Virgelyn din ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.

Dahil din dito, napuntahan ito ng kanyang kaibigan at partner sa mga palabas sa telebisyon na si "Mahal" ilang linggo bago ito pumanaw nitong Agosto 31.

Kamakailan, nagdiwang ng kaarawan si Virgelyn kung saan mas pinili niyang makasama ang Aeta community sa kanila para mabigyan niya ang mga ito ng tulong.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica