Andrew Schimmer, piniling lumipat ng tirahan para mas malapit sa pamilya ng asawa

Andrew Schimmer, piniling lumipat ng tirahan para mas malapit sa pamilya ng asawa

- Napagpasyahan ni Andrew Schimmer na lumipat na sa Bulacan kung saan nakatira ang mga kamag-anak at pamilya ng asawa niyang si Jorhomy

- Aniya, naroroon pa rin ang kanilang bahay sa Makati ngunit minabuti niyang lumipat ng tirahan dahil iyon umano ang mas makakabuti sa kanyang misis base na rin sa payo sa kanya ng mga doktor

- Mas magiging maganda at mabilis umano sa kanyang paggaling kapag iba-ibang boses ang maririnig niya kumpara sa kung sila lang ang makakasama niya

- Naibahagi niya ito nang makausap siya ni Julius Babao nang pumunta sina Julius at Tintin sa kanilang bagong nilipatang bahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Andrew Schimmer, kahit malapit lang sana sa ospital ang bahay nila sa Makati, minabuti niyang lumipat ng tirahan kung saan malapit ang pamilya at kamag-anak ng asawa. Ayon umano sa doktor, mas makakabuti at mapapabilis ang paggaling ng misis niya kapag iba-ibang boses ang maririnig niya. Ibinahagi ni Julius Babao sa kanyang YouTube channel ang pagbisita nila ni Tintin Babao sa nilipatang bahay nila Andrew.

Read also

Rosmar Tan sa bashers nya: "Ayan na ako na ang sosolusyon sa problema nyo"

Andrew Schimmer, piniling lumipat ng tirahan para mas malapit sa pamilya ng asawa
Andrew Schimmer, piniling lumipat ng tirahan para mas malapit sa pamilya ng asawa (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Naibahagi din ni Andrew na isang buwan bago sila lumabas ay agad niyang inasikaso ang kanilang paglipat sa Bulacan. Ito ay nang mabigyan na ng clearance ang paglabas ng kanyang asawa na nanatili sa ospital nang halos isang taon.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binahagi din niya ang nakakaantig na video kung saan makikita ang bunsong anak niya kasama ang mommy nito. Base sa binahagi niyang video ay makikita ang reaksiyon ng misis niyang si Jorhomy sa pagyakap ng anak nila. Tila gusto din nito na yakapin ang bunsong anak ngunit hindi pa rin ito tuluyang nakakagalaw ng normal kaya ang ulo lamang niya ang nilapit niya sa anak. Ani Andrew, ito umano ang unang pagkakataon na ganoon ang naging reaksiyon ng kanyang misis mula nang maospital ito noong nakaraang taon.

Samantala, sa isang video ay hindi napigilang maiyak ni Andrew sa mensahe ng kanyang dalawang anak na sina Andrea at Sandro Schimmer. Ito ay nang mag-guest siya sa programang "Moments" sa Net 25 na kung saan si Gladys Reyes ang host. Ayon sa mga anak niya, sana ay magpahinga din si Andrew at alagaan nito ang sarili niya para maalagaan niya ang kanilang mommy. Alam umano nila na kung makakapgsalita ang mommy nila ay gusto din nitong magpahinga din ang ama nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel