Ivana, hinahanap ang 'cute' guy na naabutan ng chocolates at flowers ng kanyang Ate Amira

Ivana, hinahanap ang 'cute' guy na naabutan ng chocolates at flowers ng kanyang Ate Amira

- Hinahanap ni Ivana Alawi ang 'cutie' na nabigyan umano ng chocolates at flowers ng kanyang Ate Amira

- Bahagi ng selebrasyon nila ng Valentine's day ang pamamahagi ng flowers at chocolates sa mapipili nilang dumaraan

- Pinapo-post ni Ivana ang larawan ng lalake na pumayag naman na isama nila sa vlog

- Noong Valentine's day, ka-date ni Ivana ang mga girls sa kanilang family gayung may date ang kapatid niyang si Hash

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hinahanap ni Ivana Alawi ang cute guy na naabutan ng kanyang ate Amira ng chocolates and flowers.

Ivana, hinahanap ang 'cute' guy na naabutan ng chocolates at flowers ng kanyang Ate Amira
Sina Amira, Mama Alawi, Mona at Ivana (@ivanaalawi)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na bahagi ito ng kanyang vlog kung saan nag-date silang pamilya at naisipang mamigay ng flowers at chocolates sa ilang dumaraan na masuwerte nilang maaabutan.

Unang nag-abot si Mona sa mag-ina na mayroon cute at bibong baby.

Read also

Ivana Alawi, ibinistong may nagsasabi na ng 'I like you' sa kapatid na si Mona

Sumunod si Mama Alawi na nag-abot sa isang nanay na may kasamang aso na kanila ring kinagiliwan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Medyo nahirapan naman si Ivana sa kanyang bibigyan at nang may maabutan tila na-starstruck ang mga ito sa kanya.

At ang huli ay ang kanilang Ate Amira na aminadong nahihiya pa sa gagawin.

Nang maibigay na nito ang flowers at chocolates, todo kantsaw naman ang inabot niya mula kina Ivana at Mona.

"Ito pong picture na 'to paki-post sa social media. Nanawagan ako sa cutie na 'yun para sa ate ko. Kailangan po naming malaman ang username niya sa IG"

Narito ang kabuuan ng kanilang makulit na Valentine's date kasama ang Alawi girls:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.2 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

BF na ibinenta ang toy collection para sa gamutan ng GF na may stage 4 cancer, hinangaan

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Noong 2022, muling nagbalik telebisyon si Ivana sa teleseryeng 'A Family Affair.' Balik big screen din si Ivana sa pelikula nila ni Vice Ganda na 'Partners in Crime' na pumatok sa Metro Manila Film Festival.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel