Ivana Alawi, ibinistong may nagsasabi na ng 'I like you' sa kapatid na si Mona

Ivana Alawi, ibinistong may nagsasabi na ng 'I like you' sa kapatid na si Mona

- Naikwento ni Ivana Alawi na mayroon nang nagpaparamdam sa kanyang kapatid na si Mona

- Sa Valentine's vlog ni Ivana, isa umano ito sa kanyang mga naikwento at pinayuhan pa si Mona na normal lamang ito bilang 18 na siya

- Maging sa kanilang Mama Alawi ay wala umanong problema kung may manliligaw na kay Mona dahil tiwala umano siya sa kanyang anak

- Si Mona ang bunso sa apat na magkakapatid nina Ivana at minsan na ring naging child star

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinisto ni Ivana Alawi na mayroon nang nagsasabi ng "I like you" sa bunso niyang kapatid na si Mona.

Ivana Alawi, ibinistong may nagsasabi ng 'I like you' sa kapatid na si Mona
Ivana and Mona Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa naikwento ni Ivana sa kanyang Valentine's vlog.

Ani Ivana, sinasabi naman ni Mona ang mga 'nagpaparamdam' sa kanya. Pinayuhan din niya na normal lamang ito lalo na at nasa legal na edad na si Mona.

Read also

LJ Satterfield, nagsalita na; hiling pa rin na suportahan si Boy Tapang sa kabila ng isyu nila

"Kasi maganda ka at talented... Ta's may nagpadala ng flowers sa kanya," ang pagbubuking ni Ivana sa kanyang kapatid.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Welcome to the legal world where you will get more then flowers," ang makulit na nasabi ni Ivana.

"Kung gusto mo, support ka namin pero kailangan approve ni Mama, approve ko, approve ni ate, approve ni Brother. Ang dami pagdadaanan," ayon pa kay Ivana.

At mismong si Mama Alawi ang nagsabing marami-rami na rin ang naghahayag ng feelings ka kay Mona.

"Ang dami nang nagpaparamdam sa kanya... I trust Mona," ang nasabi naman ni Mama Alawi.

Narito ang kabuuan ng masayang Valentine's vlog ni Ivana Alawi kasama ang kanyang pamilya:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.2 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Ivana, hinahanap ang 'cute' guy na naabutan ng chocolates at flowers ng kanyang Ate Amira

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Naging kontrobersyal kamakailan si Ivana dahil sa umano'y hindi gaano nitong pag-promote sa kanilang naging pelikula ni Vice Ganda, ang 'Partners in crime' na naging entry nila sa Metro Manila Film Festival noong Disyembre 2022. Napansin umano ito lalong-lalo na ng mga fans ni Vice Ganda.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel