BF na ibinenta ang toy collection para sa gamutan ng GF na may stage 4 cancer, hinangaan

BF na ibinenta ang toy collection para sa gamutan ng GF na may stage 4 cancer, hinangaan

- Hindi nagdalawang isip ang nobyo na ibenta ang kanyang toy collection para may pandagdag gastos sa gamutan ng girlfriend

- Nitong Enero nakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan ang GF kaya naman sinugod nila ito sa ospital

- Doon nila nalaman ng cancer pala umano ang tumama sa nobya at stage 4 pa

- Laking pasasalamat naman ng nobyo sa tripleng halaga na natanggap mula sa pagbibenta ng kanyang mga laruan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umantig sa puso ng marami ang kwento ni Jefferson na mahilig magkolekta ng laruan at kanyang girlfriend na si Jessa na mayroong stage 4 endometrial cancer.

BF na ibinenta ang toy collection para sa gamutan ng GF na may stage 4 cancer
Jefferson and Jessa (Philippine Star)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang karamdamang ito ni Jessa ang dahilan bakit naisipang ibenta na lamang ang kanyang koleksyon.

Sa panayam sa kanila ng Philippine Star, naikwento ni Jefferson na taong 2020 nang magkakilala sila ni Jessa.

Read also

Ivana, hinahanap ang 'cute' guy na naabutan ng chocolates at flowers ng kanyang Ate Amira

Maganda ang takbo ng kanilang relasyon hanggang sa dumating nga ang matinding pagsubok sa kanila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Uminda umano ng matinding pananakit ng tiyan si Jessa noong Enero ng kasalukuyang taon dahilan para dalhin nila ito sa pagamutan.

Doon nakumpirma ang kalagayan ni Jessa na ngayo'y tinamaan pa ng pneumonia.

Dahil sa tindi ng gastusin sa gamutan, naisipan ni Jefferson na ibenta ang kanyang koleksyon.

Php50,000 din ang inabot na halaga sa unang batch ng kanyang naibenta.

Subalit laking pasalamat niya na na-triple pa ang halagang inaasahan niya sa mga nabentang laruan.

Ngayon, patuloy pa rin ang gamutan ni Jessa na napakapositibo sa buhay at naniniwalang gagaling at malalampasan niya ang matinding dagok na ito sa kanyang buhay.

Kung umantig sa puso ng marami ang kwento na ito nina Jefferson at Jessa, nagpakilig naman sa madlang pipol ang ilang daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showime.

Read also

Cristy sa umano'y stand ni Sen. Robin sa bullying: "Nangangalit po ang panga ng mga magulang"

Hindi kasi inaasahan ng mga manonood na magpo-propose ang contestant sa kanyang girlfriend na nagawa rin nilang mapapanhik sa stage.

Gayundin ang iba't ibang mga proposal ng may kanya-kanyang gimik tulad ng isang nobyo na nagkunwaring hinimatay na labis naman ipinag-alala ng kanyang pakakasalan. Ngunit nang bigla niyang ilabas ang singsing at sabihin ang totoong motibo, agad din namang nag-yes ang babae.

Pati na rin ang isang couple na mahilig sa online games na ginamit pa ng lalake ang paborito nilang laro na Genshin Impact para makapag-propose sa kanyang nobyang si Ronica.

Pinaglaro ng BF si Ronica at sa dulo ng quest nito doon niya nakita ang mahiwagang tanong na "Will you be my waifu?" (Will you be my wife?).

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel