Cristy sa umano'y stand ni Sen. Robin sa bullying: "Nangangalit po ang panga ng mga magulang"

Cristy sa umano'y stand ni Sen. Robin sa bullying: "Nangangalit po ang panga ng mga magulang"

- Inalmahan ng marami lalo na ng mga magulang ang pahayag ni Robin Padilla ukol sa bullying

- Nasabi ng senador na mas katanggap-tanggap pa umano ang physical bullying kaysa mental bullying na labis na nakaaapekto sa biktima

- Maging sina Cristy Fermin at kasamahan niya sa Showbiz Now Na! ay napa-react sa nasabi na ito ng senador

- Anumang uri umano ng bullying ay hindi dapat na ginagawa ninoman, sa bata man o sa matanda

- Talagang inulan umano ng bashing si Senator Robin Padilla kamakailan dahil sa naging pahayag nito sa tungkol sa bullying

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nalaman ng KAMI na sinabi ng senador na mas okay pa umano ang physical bullying kaysa mental bullying na mas nakaaakpekto sa pagkatao ng isang tao.

Read also

LJ Satterfield, nagsalita na; hiling pa rin na suportahan si Boy Tapang sa kabila ng isyu nila

Cristy sa umano'y stand ni Sen. Robin sa bullying: "Nangangalit po ang panga ng mga magulang"
Senator Robin Padilla (@robinhoodpadilla)
Source: Instagram

Maging sina Cristy Fermin ay umalma sa nasabing ito ni Robin na hindi lalong ikinatuwa ng mga magulang.

"Sa totoo lang, real talk tayo. Wala pong magulang ang papayag na ang kanyang anak ay i-bully bully ng pisikal ng kahit na sino. Lalo na po at meron tayong kasabihan na ni hindi ko nga 'yan pinakagat sa lamok 'nung bata pa tapos papayagan ko na basta na lang i-bully ng ibang tao"
"Talagang nangangalit po ang panga ng mga magulang ngayon dahil dito sa physical bullying na wala pong magulang talaga na papayag."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa naturang pahayag umano ni Senator Robin, sinabi niyang mas nakakapagpatatag ang physical bullying sa isang tao.

Sinasabi na isa umano sa halimbawa nito ay ang dinanas niya sa piitan noon na ngayo'y pinaghuhugutan na niya ng lakas at tapang sa buhay.

Read also

Miles Ocampo, emosyonal sa papuring natatanggap sa pagganap sa 'Batang Quiapo'

Gayunpaman, mas mainam sana kung hindi na talaga sinuportahan pa ng senador ang anumang uri ng pambu-bully sa kapwa ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel ng Showbiz Now Na!:

Patuloy na namamayagpag ang kilala at batikang Showbiz writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene sa loob at labas ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na mayroon nang halos 300,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel