Cristy Fermin, hindi na raw nagulat sa pag-amin nina AJ at Aljur

Cristy Fermin, hindi na raw nagulat sa pag-amin nina AJ at Aljur

- Hindi na raw nagulat si Cristy Fermin sa ginawang pag-amin nina Aljur Abrenica at AJ Raval

- Nilarawan pa niya ito na isang 'open secret' na ang pag-amin nila ay kumpirmasyon na lamang ng bagay na alam na ng publiko

- Ang hinihintay na lamang ng marami ay ang paglalantad 'di umano ng dalawa ng sinsabing ipinagbuntis ni AJ kamakailan

- At kung mangyari man daw iyon, tila hindi na rin magugulat ang publiko ani Cristy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

"Given na po 'yan!" ani Cristy Fermin sa ginawang paglalantad nina Aljur Abrenica at AJ Raval sa kanilang relasyon.

Cristy Fermin, hindi na raw nagulat sa pag-amin nina AJ at Aljur
Aljur Abrenica and AJ Raval (@ajabrenica)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa ito sa tinalakay nina Cristy, Romel Chika at Wendell Alvarez sa bagong episode ng Showbiz Now Na!

Matatandaang nito lang Araw ng mga Puso, halos sabay na nag-post sina AJ at Aljur ng mga larawan kung saan sila'y magkasama kalakip pa ang caption ni AJ na patungkol sa pag-ibig niya sa aktor.

Read also

LJ Satterfield, nagsalita na; hiling pa rin na suportahan si Boy Tapang sa kabila ng isyu nila

Subalit hindi na raw nagulat si Cristy sa ginawang ito ng dalawa. Ang hinihintay na lamang daw umano ng publiko ay ang kumpirmasyon tungkol sa anak nina AJ at Aljur.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Pero ang tanong po ng bayan mga ka-chika, hindi po yun tungkol sa relasyon nila. dahil giveaway na po yan, given na po yan. Ang tanong po ng bayan ngayon lalo na ng mga netizens, kailan kayo aamin na mayroon na kayong anak?"

At sakaling gawain man ito ng dalawa, masasabing hindi na rin gaanong magugulat o masusupresa ang publiko sa dami ng bali-balita noon ng umano'y patagong panganganak ni AJ.

"Ngayon ang tanong na lang, kailan kayo magdedesisyon na magsabi at umamin na tunay na tunay na mayroon na kayong anak?"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Read also

Boy Tapang at GF na minsang na-KMJS ang love story, nagkaka-iringan umano sa socmed

Kamakailan, gumawa ng ingay ang post nina Aljur Abrenica at AJ Raval na umano'y kumpirmasyon ng relasyon nilang matagal nang inuusisa ng marami.

Dahil dito, inimbitahan ni Boy Abunda si AJ na paunlakan sana siya ng isang interview.

Gaya nina Cristy, tila mas interesado umano si Boy na malaman kung totoo nga bang may anak na sina Aljur at AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel