Boy Abunda, interesado umanong malaman kung totoong may anak sina Aj at Aljur

Boy Abunda, interesado umanong malaman kung totoong may anak sina Aj at Aljur

- Tila mas interesado umano si Boy Abunda na malaman kung totoong may anak na sina AJ at Aljur

- Ito ay matapos na maging "Instagram official" na umano ang dalawa na halos sabay na nag-post noong Valentine's Day

- Bagama't hindi umaamin, madalas na umano noon pa na makitang magkasama ang dalawa

- Inimbitahan din ni Boy Abunda si AJ Raval sa kanyang programang 'Fast Talk with Boy Abunda' sa GMA

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag din si Boy Abunda sa pasabog nina AJ Raval at Aljur Abrenica noong Valentine's Day.

Boy Abunda, mas interesadong malaman kung totoong may anak na umano sina Aljur at AJ
Sina Aljur Abrenica at AJ Raval (@ajabrenica)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay ang kani-kanilang mga Instagram post na inilabas noong February 14.

Hindi pa man nagkukumpirma noon ang magkabilang panig ay nadadalas nang makita na sila ay magkasama.

Read also

Zeinab Harake, Valentine's date ang mga anak na sina Lucas at Bia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang naging matunog pa ang umano'y pagbubuntis ni AJ na pilit itinago raw sa publiko bagay napag-uusapan din subalit walang makapagsabing may anak na nga ang dalawa.

"Ang natitira na lamang na pinag-uusapan na hindi pa nako-confirm ay I'd like to talk to you about this AJ, Aljur. I haven't met AJ Raval. Pero ang gustong malaman ng tao nasan ba, totoo nga ba 'yung mga usap-usapan na meron silang anak."

Dahil dito, nais na makapanayam ni Boy si AJ na hindi pa raw niya nakikilala nang personal.

"That was really talked about ng napakatagal nang panahon. But AJ, If you don't want to address that question, okay lang sa akin dumating ka lang dito sa Fast Talk with Boy Abunda."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa programang Fast Talk with Boy Abunda na mapapanood din sa GMA Network YouTube channel:

Read also

Parokya ni Edgar, nagbigay ng update sa lagay ng kabandang si Gab: "He’s still at the ICU"

Kamakailan, ilang mga personalidad na ang nakapanayam ni Boy Abunda na talaga namang napag-usapan dahil na rin sa matitindi nilang rebelasyon. Ilan sa kanila ay sina Paolo Contis, Bea Alonzo at Dina Bonnevie.

Dahil dito, isa na umano ito sa mga pinakaaabangang programa na mapapanood sa GMA. Sa loob kasi ng 20 minuto ay marami nang napapag-usapan si Boy at ang kanyang nagiging bisita.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel