Cherry White, napagbintangan daw na nang-hack matapos magka-problema ang Facebook

Cherry White, napagbintangan daw na nang-hack matapos magka-problema ang Facebook

- Binahagi ni Cherry White an screenshot ng mensahe na natanggap niya tungkol sa akusasyong pinapa-hack daw niya ang Facebook ng taong nag-message sa kanya

- Ronnie ang nakalagay na pangalan ng nag-message sa kanya na nagsabi din na ipapa-Tulfo daw nito si Cherry White

- Sinagot ni Cherry White ang akusasyong ito at sinabing maging sila ng kasamahan niya ay na-log out bigla sa Facebook

- Matatandaang marami ang nabahala matapos magkaproblema kamakailan ang naturang social media platform na kinalaunan ay naayos din

Binahagi ni Cherry White ang screenshot ng mensaheng natanggap niya kung saan sinabihan siyang ipapa-Tulfo daw siya. Base sa screenshot ng mensahe ay inakusahan si Cherry na pina-hack daw niya ang Facebook ng taong nag-message sa kanya.

Cherry White, napagbintangan daw na nang-hack matapos magka-problema ang Facebook
Cherry White, napagbintangan daw na nang-hack matapos magka-problema ang Facebook
Source: Facebook

Dipensa naman ni Cherry, maging sila ng kasamahan niya ay biglang na-log out sa Facebook. Matatandaang marami ang nabahala matapos magkaproblema kamakailan ang naturang social media platform na kinalaunan ay naayos din.

Read also

Cherry White: "Kalalaki mong tao para magpuputak ka nang ganyan"

Si Cherry White ang naging karelasyon ng kapwa niya content creator na si Boy Tapang. Si Boy Tapang ay isang content creator na nakilala sa kanyang vlogs kung saan kadalasan ay nag-mumukbang siya ng mga prutas at iba pang pagkain sa kanilang lugar at kakaibang content kung saan wala siyang inaatrasan. Kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit dalawang milyong subscribers sa YouTube at maghigit dalawang milyon din sa Facebook.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatadaang inalmahan ni Boy Tapang ang mga naging pahayag ni MG sa kanyang partner na si Cherry White. Ani Boy Tapang, noong una daw ay nag-message si MG sa kanila na gagawa daw siya ng content na pangpa-hype lang. Aniya, nang mapansin daw ni MG na marami ang views ay gumawa pa ito ng isa pang video. Sinabi din ni Boy Tapang na nakikisawsaw daw ito sa isyu nila dahil trending ang issue.

Nagsalita si Boy Tapang kaugnay sa dahilan ng hiwalayan nila ni Cherry White. Sa isang live video naglabas ng maaanghang na salita si Boy Tapang at sinabing binubugbog daw siya ni Cherry White. Umabot pa raw sa puntong pinagbantaan nito ang buhay niya gamit ang patalim. Aniya, may mga patunay siya at handa siyang harapin daw ang dating karelasyon kahit umabot sila kay Sen. Tulfo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel