Boy Tapang, umalma sa mga sinabi ni MG laban sa kanila ni Cherry White

Boy Tapang, umalma sa mga sinabi ni MG laban sa kanila ni Cherry White

- Inalmahan ni Boy Tapang ang mga naging pahayag ni MG sa kanyang partner na si Cherry White

- Ani Boy Tapang, noong una daw ay nag-message si MG sa kanila na gagawa daw siya ng content na pangpa-hype lang

- Aniya, nang mapansin daw ni MG na marami ang views ay gumawa pa ito ng isa pang video

- Sinabi din ni Boy Tapang na nakikisawsaw daw ito sa isyu nila dahil trending ang issue

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi natuwa si Boy Tapang sa mga naging pahayag ni MG sa kanila ng partner niyang si Cherry White. Hinayaan lang daw nila noong una dahil nagsabi pa daw ito sa kanila na gagawa siya ng video na pangpa-hype lang.

Boy Tapang, umalma sa mga sinabi ni MG laban sa kanila ni Cherry White
Boy Tapang, umalma sa mga sinabi ni MG laban sa kanila ni Cherry White
Source: Youtube

Ani Boy Tapang, hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito kay Cherry White. Inalmahan ni Boy Tapang ang sinabi nito na siya daw ang nagpasikat kay Boy Tapang dahil sa Battle of the YouTubers.

Read also

PCSO, iginiit na sinadya nilang in-edit ang damit ng Lotto jackpot winner

Aniya, hindi naman siya kukunin sa Battle of the YouTubers kung hindi siya kilala. Maliit lang daw ang binibigay nilang tf sa kanila at mas malaki ang bumabalik sa kanila.

Naintindihan daw niya na akala daw ni MG na content lang ang kanilang relasyon ni Cherry White.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naghamon pa ito na ipost niya ang screenshot ng mensahe ni MG sa kanila nang magsabi ito tungkol sa kanyang gagawin na video.

Si Boy Tapang ay isang content creator na nakilala sa kanyang vlogs kung saan kadalasan ay nag-mumukbang siya ng mga prutas at iba pang pagkain sa kanilang lugar at kakaibang content kung saan wala siyang inaatrasan. Kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit dalawang milyong subscribers sa YouTube at maghigit dalawang milyon din sa Facebook.

Matatandaang minsan nang na-feature ang kakaibang love story nina Boy Tapang at LJ sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan humakot ito ng 10M views sa loob lamang ng isang araw. Marami ang napa-sana all sa kanilang pag-iibigan lalo na ang mga kalalakihan at nabigyan sila ng pag-asang makahanap ng tulad ni LJ.

Read also

Christian Merck Grey kay Xander: "Nakaka-disappoint ka Marlou"

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ang tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Boy Tapang at umano'y girlfriend nitong si LJ Satterfield dahil sa pasaringan umano ng dalawa online. Matatandaang minsan na silang nai-feature sa KMJS at nagpakilig sa marami dahil sa kanilang kakaibang love story.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel