Christian Merck Grey kay Xander: "Nakaka-disappoint ka Marlou"

Christian Merck Grey kay Xander: "Nakaka-disappoint ka Marlou"

- Inihayag ni Christian Merck Grey ang kanyang pagkadismaya sa ginawa ni Xander Arizala sa kanyang regalong iPhone 15 para sa kanyang inaanak

- Ani Merck, bago pa man sila nagkahiwalay nang ibigay niya ang cellphone ay nag-alok pa siya na ibili nila ng gatas ang anak ni Xander

- Gayunpaman, sa post ni Xander kung saan binibenta niya ang naturang cellphone, sinabi niyang ipambibili daw ito ng kailangan ng anak niya

- Dagdag pa ni Merck, naka-block pa daw siya kay Marlou kaya hindi niya ito nakausap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dismayado si Christian Merck Grey kay Xander Arizala dahil sa pagbebenta nito ng iPhone 15 na kanyang binigay para sana sa inaanak niya. Ani Merck, naka-block na siya kay Xander.

Christian Merck Grey kay Xander: "Nakaka-disappoint ka Marlou"
Christian Merck Grey kay Xander: "Nakaka-disappoint ka Marlou"
Source: Youtube

Kwento ni Merck, nakakatunog na daw siya nang tanungin daw siya ni Xander kung magkano ang bentahan ng binigay niyang cellphone.

Read also

PCSO, iginiit na sinadya nilang in-edit ang damit ng Lotto jackpot winner

Dahil dito, niyaya niya pa daw ito na bumili sila ng mga kakailanganin ng anak pero tumanggi daw ito dahil mayroon naman daw silang stocks sa bahay.

Naisip daw niya dahil baka may emergency kaya sinubukan niyang tumawag. Gayunpaman, hindi daw siya sinagot nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nang sumunod na araw ay hindi na daw niya ito ma message dahil naka-block na siya. Ani Merck inakala daw niyang nagbago na daw ito.

Nakilala din si Marlou Arizala bilang si Xander Ford sa social media. Pinalitan ang kanyang pangalan matapos ang kanyang kontrobersiyal na make over. Gayunpaman, matapos ang mga kontrobersiyang kanyang kinasangkutan ay tuluyan na siyang binitawan ng management na tumulong sa kanyang make-over.

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Read also

Cherry White at Asian Pakboi, muling nagkaharap at nagkausap

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel