Cherry White at Asian Pakboi, muling nagkaharap at nagkausap

Cherry White at Asian Pakboi, muling nagkaharap at nagkausap

- Muling nagkausap sina Asian Pakboy at Cherry White matapos ang kanilang paghihiwalay kamakailan

- Sa video na binahagi sa YouTube Channel na Vin FPV, masasaksihan ang muling pagkikita ng dalawa matapos maging usap-usapan ang pagkakaroon ng bagong karelasyon ni Cherry White

- Ani Cherry White, maging ang kanyang mga kaibigan ay nakikitang masaya siya sa kasalukuyan nitong karelasyon na si Boy Tapang

- Para naman kay Asian Pakboi, hindi daw niya sinasara ang kanyang puso sakaling makahanap siya ng bagong pag-ibig o di kaya ay kung bumalik sa kanya si Cherry

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkausap na sina Asian Pakboy at Cherry White matapos ang kanilang paghihiwalay kamakailan. Sa video na binahagi sa YouTube Channel na Vin FPV, nakapag-usap ang dalawa at pormal na inanunsiyo ang pag-sign off ng tambalan nila.

Read also

Boy Tapang, umalma sa mga bashers: "Kahit hindi ako pogi, hindi ako mang-aagaw"

Cherry White at Asian Pakboi, muling nagkaharap at nagkausap
Cherry White at Asian Pakboi, muling nagkaharap at nagkausap
Source: Youtube

Hindi nila napigilang maiyak nang maalala ang kanilang naging relasyon na anila ay tumagal din. Ani Cherry, masaya siya sa kasalukuyan at maging ang kanyang mga kaibigan ay nakikita daw ito.

Hindi na nila nilabas ang tunay na dahilan ng paghihiwalay pero hindi daw mawawala ang kanilang pagmamahal sa isa't-isa bilang pamilya dahil mahigit isang taon din silang nagsama.

Para naman kay Asian Pakboi, hindi daw niya sinasara ang kanyang puso sakaling makahanap siya ng bagong pag-ibig o di kaya ay kung bumalik sa kanya si Cherry.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Boy Tapang ay isang content creator na nakilala sa kanyang vlogs kung saan kadalasan ay nag-mumukbang siya ng mga prutas at iba pang pagkain sa kanilang lugar at kakaibang content kung saan wala siyang inaatrasan. Kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit dalawang milyong subscribers sa YouTube at maghigit dalawang milyon din sa Facebook.

Read also

Dimples Romana sa epekto ng socmed detox ni Angel Locsin: "Yung face niya, maaliwalas"

Matatandaang minsan nang na-feature ang kakaibang love story nina Boy Tapang at LJ sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan humakot ito ng 10M views sa loob lamang ng isang araw. Marami ang napa-sana all sa kanilang pag-iibigan lalo na ang mga kalalakihan at nabigyan sila ng pag-asang makahanap ng tulad ni LJ.

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ang tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Boy Tapang at umano'y girlfriend nitong si LJ Satterfield dahil sa pasaringan umano ng dalawa online. Matatandaang minsan na silang nai-feature sa KMJS at nagpakilig sa marami dahil sa kanilang kakaibang love story.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel