Boy Tapang, umalma sa mga bashers: "Kahit hindi ako pogi, hindi ako mang-aagaw"

Boy Tapang, umalma sa mga bashers: "Kahit hindi ako pogi, hindi ako mang-aagaw"

- Nagsalita ang vlogger na si Boy Tapang tungkol sa akusasyong inagaw daw niya si Cherry White sa kapwa nila vlogger na si Asian Pakboi

- Ani Boy Tapang, collaboration lang dapat ang kanilang unang pagsasama ni Cherry White at tinanong daw niya kung may boyfriend siya

- Sinabi daw ni Cherry White na wala siyang boyfriend kaya nang magkasama sila at nagkadevelopan ay wala siyang nakikitang masama

- Hindi daw niya ugaling makihati sa iba kaya hindi daw siya makikipagrelasyon kung may boyfriend si Cherry White

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma si Boy Tapang sa akusasyon sa kanya na inagaw daw niya si Cherry White sa kapwa nila vlogger na si Asian Pakboi. Aniya, tinanong daw niya si Cherry White kung boyfriend siya at sinabi daw nito na matagal na siyang walang karelasyon.

Read also

Dimples Romana sa epekto ng socmed detox ni Angel Locsin: "Yung face niya, maaliwalas"

Boy Tapang, pinabulaanang inagaw niya si Cherry White kay Asian Pakboi
Boy Tapang, pinabulaanang inagaw niya si Cherry White kay Asian Pakboi
Source: Facebook

Ani Boy Tapang, collaboration lang ang kanilang dahilan noong una kung bakit sila nag-uusap noon. Kinalaunan ay nagkadevelopan daw sila dahil komportable naman daw siya na walang karelasyon si Cherry White.

Pinabulaanan din niyang content lang daw yung pinapakita nila ni Cherry White. Aniya, naiintindihan niya ito dahil nagawa niya noon na magpakilala ng girlfriend na para sa lang sa content.

Sinabi daw niya kay Cherry na itago na lang daw ang kanilang relasyon kaya lang ay nakuhanan sila ng video na sweet nang magdiwang si Boy Tapang ng kanyang kaarawan kamakailan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Boy Tapang.

Boy Tapang, umalma sa mga bashers: "Kahit hindi ako pogi, hindi ako mang-aagaw"
Boy Tapang, umalma sa mga bashers: "Kahit hindi ako pogi, hindi ako mang-aagaw"
Source: Facebook

Si Boy Tapang ay isang content creator na nakilala sa kanyang vlogs kung saan kadalasan ay nag-mumukbang siya ng mga prutas at iba pang pagkain sa kanilang lugar at kakaibang content kung saan wala siyang inaatrasan. Kasalukuyan ay mayroon na siyang mahigit dalawang milyong subscribers sa YouTube at maghigit dalawang milyon din sa Facebook.

Read also

Pamilya ni Catherine Camilon, sinubukang makausap si Jeffrey Magpantay

Matatandaang minsan nang na-feature ang kakaibang love story nina Boy Tapang at LJ sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan humakot ito ng 10M views sa loob lamang ng isang araw. Marami ang napa-sana all sa kanilang pag-iibigan lalo na ang mga kalalakihan at nabigyan sila ng pag-asang makahanap ng tulad ni LJ.

Sa naunang ulat ng KAMI, naibahagi ang tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nina Boy Tapang at umano'y girlfriend nitong si LJ Satterfield dahil sa pasaringan umano ng dalawa online. Matatandaang minsan na silang nai-feature sa KMJS at nagpakilig sa marami dahil sa kanilang kakaibang love story.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel