Pamilya ni Catherine Camilon, sinubukang makausap si Jeffrey Magpantay

Pamilya ni Catherine Camilon, sinubukang makausap si Jeffrey Magpantay

- Sinubukan daw ng pamilya ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon na makausap ang sumukong driver na si Jeffrey Magpantay

- Gayunpaman, nang puntahan daw nila sa Police station sa Balayan ay tumangging makipag-usap daw ni Magpantay

- Hindi din daw nila nakita nang personal si Magpantay at wala silang magagawa dahil karapatan niyang tumanggi kung ayaw niyang makipag-usap

- Ayon sa ina ni Catherine na si Rosario Camilon, parang gusto lang daw nitong maisalba ang kanyang sarili kaya siya sumuko

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ng pamilya ni Catherine Camilon sa programa ni Sen. Raffy Tulfo na sinubukan nilang kausapin ang sumukong driver na si Jeffrey Magpantay. Gayunpaman, tumanggi daw itong harapin sila.

Pamilya ni Catherine Camilon, sinubukang makausap si Jeffrey Magpantay
Pamilya ni Catherine Camilon, sinubukang makausap si Jeffrey Magpantay
Source: Facebook

Ayon sa paglalahad ng ina ng beauty queen na si Rosario Camilon, pinuntahan nila sa Balayan Police station ang sumukong driver ng pulis na tinuturong sangkot sa pagkawala ni Catherine.

Read also

Kathryn Bernardo, hindi na naka-follow kay Daniel Padilla sa Instagram

Aniya, ang inakala nilang mabibigyan-linaw ang nangyari kay Catherine ay mukhang wala ding papupuntahan dahil tumatangging magsalita si Magpantay kaugnay sa kaso ng pagkawala ni Catherine.

Matapos nilang mabigong makausap si Magpantay, napagtanto niyang parang gusto lang daw nitong maisalba ang kanyang sarili kaya siya sumuko.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Catherine Camilon ay isa sa naging kalahok sa Miss Grand Philippines 2023. Naging usap-usapan siya matapos mapabalita noong ika-12 ng Oktubre ang tungkol sa kanyang pagkawala.

Simula October 12 ay nireport na siyang missing. Ang kapatid niyang si Chin-chin Camillon ang nag-post sa Facebook upang humingi ng tulong sa paghahanap ng kanyang kapatid na bukod sa pagiging isang beauty queen ay isa ding teacher. Naibahagi niya ang ilang detalye kabilang na ang edad nito na 26 taong gulang at ang height nito na 5'6". Binahagi niya rin ang picture ng plate number ng sasakyan ng kanyang kapatid.

Read also

Cianne Dominguez, pinagpalit ng ex sa isa pa niyang ex-boyfriend

Sumuko sa Balayan Municipal Police Station ang isa sa tinuturong sangkot sa pagkawala ng beauty queen. Ito ang driver at personal bodyguard ni Police Major Allan De Castro, ang tinuturong pangunahing suspek. Kinilalang si Jeffrey Magpantay ang naturang driver na kinilala ng dalawang saksi na siyang nanutok ng baril sa kanila nang makita nila ang duguang babae na sinasakay sa pulang SUV. Hindi naman nagbigay ng pahayag si Magpantay at hindi din niya sinabi kung may pagbabanta ba sa kanyang buhay kaya mas pinili niyang sumuko na lang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel