Cianne Dominguez, pinagpalit ng ex sa isa pa niyang ex-boyfriend

Cianne Dominguez, pinagpalit ng ex sa isa pa niyang ex-boyfriend

- Naibahagi ni Cianne Dominguez ang kanyang naging karanasan sa kanyang ex na pinagpalit siya sa lalaki

- Aniya, mas masakit daw na ipagpalit sa lalaki kesa sa kapwa niya babae dahil aniya ay wala na siyang magagawa kapag ganun

- Nabanggit niya rin na mismong sa isa niyang ex-boyfriend pinagpalit ng kanyang naging boyfriend

- Engaged na daw sila at masaya naman siya para sa kaligayahan ng kanyang dalawang ex

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Cianne Dominguez ang nakakawindang na breakup story niya. Naka-relate siya sa pinagdaanan ng kalahok sa Expecially For You dahil pinagpalit din daw siya sa lalaki.

Cianne Dominguez, pinagpalit ng ex sa isa pa niyang ex-boyfriend
Cianne Dominguez, pinagpalit ng ex sa isa pa niyang ex-boyfriend
Source: Youtube

Tila naman nagulat ang kanyang mga co-hosts sa rebelasyon niyang ito. Ani Cianne, mas masakit na ipagpalit sa lalaki kesa kapwa babae ang ipinalit sa kanya.

Read also

Toni Fowler: "Ramdamin mo yung wala na kaming paramdam"

Sinubukan din daw niyang ilaban at handa siyang tanggapin ang kanyang ex pero wala na daw talaga siyang nagawa. Ang mas nakakawindang pa ay mismong isa pa niyang ex ang naging kapalit niya.

Engaged na daw sila at masaya naman siya para sa kaligayahan ng kanyang dalawang ex.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Cianne Dominguez ay sumali sa isang patimpalak sa It's Showtime at naging daily winner. Nang makapasok ito sa weekly finals ay napansin ni Vice Ganda at kinalaunan ay kinuha niya bilang kanyang talent. Sa kasalukuyan ay isa na siya sa mga host ng It's Showtime.

Matatandaang naging usap-usapan sina Anne Curtis, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez matapos ang kanilang pagbirit sa awiting “Gusto Ko Nang Bumitaw" sa “It’ Showtime”. Kasunod nito ay nagbahagi ng mensahe si Anne sa ex tungkol sa kanilang performance na aniya ay para talaga sa mga power belters kagaya nina Sheryn Regis, Morisette Amon at Regine Velasquez.

Read also

Kathryn Bernardo, hindi na naka-follow kay Daniel Padilla sa Instagram

Nakasama ni Ryan Bang ang co-host niya sa It's Showtime na si Cianne sa kanyang vlog. Sinama niya ito sa pinakabagong branch ng kanyang food business na Ducup sa isang mall sa Makati. Marami sa mga viewers ng YouTube channel ni Ryan ang kinilig sa kanilang dalawa dahil kahit sa It's Showtime ay lagi silang tinutukso. Ito umano ang unang pagkakataon na lumabas silang dalawa nang hindi kasama ang kanilang mga katrabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel