Ryan Bang at Cianne Dominguez, kinakiligan sa kanilang first date

Ryan Bang at Cianne Dominguez, kinakiligan sa kanilang first date

- Nakasama ni Ryana Bang ang co-host niya sa It's Showtime na si Cianne Dominguez sa kanyang vlog

- Sinama niya ito sa pinakabagong branch ng kanyang food business na Ducup sa isang mall sa Makati

- Marami sa mga viewers ng YouTube channel ni Ryan ang kinilig sa kanilang dalawa dahil kahit sa It's Showtime ay lagi silang tinutukso

- Ito umano ang unang pagkakataon na lumabas silang dalawa nang hindi kasama ang kanilang mga katrabaho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinakiligan sina Ryan Bang at Cianne Dominguez sa bagong YouTube video na binahagi ni Ryan sa kanyang YouTube channel. Ito umano ang unang pagkakataon na lumabas silang dalawa nang hindi kasama ang kanilang mga katrabaho.

Ryan Bang at Cianne Dominguez, kinakiligan sa kanilang first date
Ryan Bang at Cianne Dominguez, kinakiligan sa kanilang first date (@ryanbang)
Source: Instagram

Nabanggit ni Ryan ang tungkol sa nakita niya sa Instagram ni Cianne na marami umano itong alagang ahas. Mayroon umanong limang alagang ahas si Cianne sa kanilang bahay. Marami sa mga viewers ng YouTube channel ni Ryan ang kinilig sa kanilang dalawa dahil kahit sa It's Showtime ay lagi silang tinutukso.

Read also

Andrew Schimmer: "I’m sorry…but I hate Christmas, and I don’t think I will ever like it again"

Bagay kayong dalawa ..Ryan ligawan muna si cianne wag munang pakawalan yan
Grabe yung chemistry nila. On sync lagi sila ni Cianne pagdating sa humor.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bagay talaga siya... sobrang like ko na si Cianne. Inaabangan ko sya araw araw sa It's Showtime.

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Matatandaang agad na nag-viral ang video sa isang episode ng It's Showtime matapos muling mapag-usapan ang umano'y naudlot na panliligaw ni Ryan kay Yeng Constantino. Nagulat na lang umano si Yeng na bigla na lang tumigil sa panliligaw si Ryan sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Ryan, kinikilig na rin sa kanya noon si Yeng. Inakala niyang wala namang gusto sa kanya si Yeng dahil hindi umano ito sumasama sa kanya tuwing niyayaya niyang lumabas sila para gumimik.

Read also

Bea Alonzo, pinakita ang kanyang condo na pinagawa niyang office

Binahagi ni Karylle ang isang video sa Instagram kung saan nagpatulong siya kay Ryan. Ito ay bilang paghahanda sa kanyang pagkanta ng awiting My Universe ng Coldplay at BTS. Marami naman ang nakapansin sa tila pagiging estrikto ni Ryan sa pagtuturo nito kay Karylle. Todo-pasalamat naman si Karylle dahil aniya ay madali siyang natuto dahil sa pagtuturo ni Ryan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel