Alodia Gosiengfiao, binahagi ang video ng pag-ayos nilang mag-asawa ng kanilang Christmas tree

Alodia Gosiengfiao, binahagi ang video ng pag-ayos nilang mag-asawa ng kanilang Christmas tree

- Pinasilip ni Alodia Gosiengfiao ang video ng pag-ayos nila ng kanyang asawang si Christopher Quimbo ng kanilang kauna-unahang Christmas tree bilang mag-asawa

- Isang frosted Christmas tree ang napili nila para daw bumagay sa kanilang tirahan na puti din ang kulay ng pader

- Magkasama nilang binuo ito mula sa pagtayo hanggang sa paglagay ng mga palamuti

-Tuwang-tuwa ang mag-asawa nang matapos nila ang kanilang Christmas tree at nagustuhan nila ang kinalabasan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Alodia Gosiengfiao ang video ng pagbuo nila ng kanyang asawa ng kanilang kauna-unahang Christmas tree. Magkatuwang nila itong binuo mula sa umpisa hanggang sa kabitan na nila ito ng mga palamuti.

Alodia Gosiengfiao, binahagi ang video ng pag-ayos nilang mag-asawa ng kanilang Christmas tree
Alodia Gosiengfiao, binahagi ang video ng pag-ayos nilang mag-asawa ng kanilang Christmas tree
Source: Youtube

Pinili umano nilang mag-aswa ang frosted na Christmas tree at gold na decors para bumagay ito sa kulay ng kanilang tahanan.

Read also

Panayam kay Daniel ukol sa A Very Good Girl kung saan 'nobya' pa ang tawag niya kay Kathryn, viral

Maging sa pagkabit ng ilaw ay magkatuwang sila hanggang sa paglagay ng mga ornaments. Si Alodia ang naglagay ng star sa tuktok ng kanilang Christmas tree habang si Chris ay nakaalalay sa kanya.

Mapapanuod ang buong video dito:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company. gayunpaman, kamakailan ay naglabas siya ng pahayag tungkol sa kanyang pag-alis sa Tier 1.

Nag-post si Alodia Gosiengfiao ng behind-the-scene video ng kanyang Instagram post kamakailan. Makikita sa naturang video ang mister niyang si Christopher Quimbo na siyang naghahawak ng ilaw para sa kanya. Marami naman ang napa-sana all sa effort na ito ng asawa ni Alodia para lang masuportahan ito. Matatandaang ikinasal sina Alodia at Christopher at marami ang namangha sa bonggang kasal nila na dinaluhan ng bigating mga bisita.

Read also

Rochelle Pangilinan sa pagsayaw niya sa Eat Bulaga: "Nagpasintabi po ako"

Ibinahagi ni Alodia Gosiengfiao ang nakakaaliw na video ng kanyang asawang si Christopher Quimbo. Sa naturang video ay makikitang nagsasalita si Chris sa Tagalog at nagtatanong kay Alodia kung tama ang kanyang sinasabi. Sa mga video na binabahagi ni Alodia sa social media, madalas ay hindi nagtatagalog si Christopher. Ani Alodia, minsan ay pinapa-translate sa kanya ng asawa ang mga Tagalog na komento.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel