Alodia Gosiengfiao, ibinahagi ang video ng asawa niya na sinusubukan mag-Tagalog

Alodia Gosiengfiao, ibinahagi ang video ng asawa niya na sinusubukan mag-Tagalog

- Ibinahagi ni Alodia Gosiengfiao ang nakakaaliw na video ng kanyang asawang si Christopher Quimbo

- Sa naturang video ay makikitang nagsasalita si Chris sa Tagalog at nagtatanong kay Alodia kung tama ang kanyang sinasabi

- Sa mga video na binabahagi ni Alodia sa social media, madalas ay hindi nagtatagalog si Christopher

- Ani Alodia, minsan ay pinapa-translate sa kanya ng asawa ang mga Tagalog na komento

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang video na binahagi ni Alodia Gosiengfiao kung saan ibinida niya ang asawang si Christopher Quimbo. Makikita sa video na sinusubukan ni Christopher na magsalita ng Tagalog.

Alodia Gosiengfiao, ibinahagi ang video ng asawa niya na sinusubukan mag-Tagalog
Alodia Gosiengfiao, ibinahagi ang video ng asawa niya na sinusubukan mag-Tagalog
Source: Instagram

Sa naturang video ay makikitang nagsasalita si Chris sa Tagalog at nagtatanong kay Alodia kung tama ang kanyang sinasabi. Nagtatanong din ito tungkol sa salitang 'gagawin.'

Ani Christopher, sinusubukan niya mag-Tagalog sa kanyang isip. Napagtanto niyang mas mahirap na gawin ang magsalita ng Tagalog kesa isipin lang.

Read also

Vice Ganda, pinasaya ang staff ng It's Showtime sa kanyang maagang pamasko

Natawa naman si Alodia dahil sa ginamit nitong salita na 'ginagagawin' sa halip na gagawin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilang komento ng netizens:

It's the effort that makes it more adorable lmao
Ginagagawin: past, present and future all in one word. ibig sabihin never sya matatapos
Cute yung may logical explanation si hubby then nung sinabi na yung tagalog word mali pa din.

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Naging usap-usapan ang pagpunta ni Alodia sa US noong nagkasakit si Wil Dasovich at nagpapagaling sa cancer. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company.

Sa kanyang binahaging video reel sa Instagram, pinasilip ni Alodia ang kanyang bakasyon kasama ang boyfriend nito. Mapapansin sa ilang bahagi ng kanyang video reel ang paglakad nila nang magkahawak-kamay. Matatandaang nitong nakaraang Mother's Day ay kasama si Alodia sa family dinner nina Christopher Quimbo.

Read also

Michelle Dee: "For Q and A, sayang hindi ako nakahawak ng mic"

Binahagi din ni Alodia ang isang video kung saan kasama si Christopher. Base sa kanyang social media post, dumalo sila sa world premiere ng pelikulang ‘Doctor Strange’ Los Angeles. Ibinahagi din ni Christopher ang kanilang picture sa pamamagitan ng kanyang Instagram story. Matatandaang unang lumabas ang balita tungkol sa kanila matapos mag-post ni Alodia ng kanilang picture na kuha sa kanilang Palawan trip.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel