Alodia Gosiengfiao, pinakita kung gaano ka-supportive ang kanyang asawa

Alodia Gosiengfiao, pinakita kung gaano ka-supportive ang kanyang asawa

- Nag-post si Alodia Gosiengfiao ng behind-the-scene video ng kanyang Instagram post kamakailan

- Makikita sa naturang video ang mister niyang si Christopher Quimbo na siyang naghahawak ng ilaw para sa kanya

- Marami naman ang napa-sana all sa effort na ito ng asawa ni Alodia para lang masuportahan ito

- Matatandaang nitong buwan lang ay ikinasal sina Alodia at Christopher at marami ang namangha sa bonggang kasal nila na dinaluhan ng bigating mga bisita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Alodia Gosiengfiao ang behind-the-scene video ng kanyang post kung saan makikita ang mister niyang si Christopher Quimbo na nagsilbing tagahawak ng ilaw. Marami naman ang napa-sana all sa effort na ito ng asawa ni Alodia para lang masuportahan ito.

Alodia Gosiengfiao, pinakita kung gaano ka-supportive ang kanyang asawa
Alodia Gosiengfiao, pinakita kung gaano ka-supportive ang kanyang asawa (@alodia)
Source: Instagram

May mga nagsasabing kitang-kita sa mukha ni Alodia kung gaano ito kasaya sa kanyang buhay ngayong kinasal na siya. Matatandaang nitong buwan lang ay ikinasal sina Alodia at Christopher at marami ang namangha sa bonggang kasal nila na dinaluhan ng bigating mga bisita.

Read also

Parokya ni Edgar, may pa-face reveal sa lagay ng kabandang si Gab

Narito ang ilang mga komento ng netizens sa kanyang post:

I don’t usually use the term cute - usually when I do, it’s for my apo or puppies or kittens. However, this is cute. Him being supportive in his little way by providing lighting

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sana all supportive that's what love can do
ibang level na IG hubby ❤️...cast a spell over you

Si Alodia Gosiengfiao ay nakilala bilang isa sa pinakasikat na cosplayer sa bansa. Isa din siyang game streamer at vlogger. Naging usap-usapan ang pagpunta ni Alodia sa US noong nagkasakit si Wil Dasovich at nagpapagaling sa cancer. Matagumpay din si Alodia sa larangan ng kanyang negosyo. Isa siya sa may-ari ng Tier 1 Entertainment, isang e-sports entertainment company.

Sa kanyang binahaging video reel sa Instagram, pinasilip ni Alodia ang kanyang bakasyon kasama ang boyfriend nito. Mapapansin sa ilang bahagi ng kanyang video reel ang paglakad nila nang magkahawak-kamay. Matatandaang nitong nakaraang Mother's Day ay kasama si Alodia sa family dinner nina Christopher Quimbo.

Read also

Mikee Morada, napa-walk out sa prank ni Alex Gonzaga sa kanya

Binahagi din ni Alodia ang isang video kung saan kasama si Christopher. Base sa kanyang social media post, dumalo sila sa world premiere ng pelikulang ‘Doctor Strange’ Los Angeles. Ibinahagi din ni Christopher ang kanilang picture sa pamamagitan ng kanyang Instagram story. Matatandaang unang lumabas ang balita tungkol sa kanila matapos mag-post ni Alodia ng kanilang picture na kuha sa kanilang Palawan trip

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel