Rochelle Pangilinan sa pagsayaw niya sa Eat Bulaga: "Nagpasintabi po ako"

Rochelle Pangilinan sa pagsayaw niya sa Eat Bulaga: "Nagpasintabi po ako"

- Ibinahagi ni Rochelle Pangilinan ang kanyang saloobin sa kanyang muling pagtungtong sa entablado kung saan una siyang nakilala

- Sa kanyang post sa Instagram ay binahagi niyang naapektuhan at nasaktan din siya nang lumipat ang TVJ sa TV5

- Aniya pitong buwan ang pinalipas niya bago siya nangahas na pumasok sa bagong "Eat Bulaga"

- Nagpasintabi daw siya sa original "Eat Bulaga" hosts and management bago siya nakapagdesisyon na mag-guest sa show

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas si Rochelle Pangilinan ng kanyang saloobin kaugnay sa kanyang pag-guest sa Eat Bulaga. Aniya, bilang pagtanaw ng respeto sa Eat Bulaga, TVJ at original Dabarkads, pitong buwan ang pinalipas niya bago siya nangahas na pumasok sa naturang show.

Rochelle Pangilinan sa pagsayaw niya sa Eat Bulaga: "Nagpasintabi po ako"
Rochelle Pangilinan sa pagsayaw niya sa Eat Bulaga: "Nagpasintabi po ako" (@rochellepangilinan)
Source: Instagram

Nagbalik-tanaw siya sa kanyang unang pagtuntong sa entablado ng Eat Bulaga sa kanyang edad na labing-tatlo.

Read also

Ivana Alawi sa kanyang love life: "I'm seeing someone. So 'yun, I'm happy"

Twenty-eight years ago, ako unang tumuntong sa stage ng Eat Bulaga. Trese anyos pa lang ako nun pero naalalala ko pa yun hanggang ngayon.

Aniya, sa kabila ng kanyang agam-agam ay naniniwala siyang tatanggapin ng tao ang kanyang pag guest sa Eat Bulaga dahil gusto lamang niyang ibahagi ang kanyang talento.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

May takot. May pag-aalinlangan. Pero kumakapit ako sa paniniwalang dahil gusto ko lang i-share ang talento kong ibinigay niya, ako ay tatanggapin ninyo.

Si Rochelle Pangilinan ay isang dancer, actress at recording artist. Isa siya sa founding members ng sikat na dance group na SexBomb Girls. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagsayaw at maging sa pag-rap. Ikinasal siya sa dating dancer din na si Arthur Solinap at nabiyayaan sila ng isang anak na babae.

Read also

Bea Borres sa kanyang pananahimik: "Wala kayong makukuha sa 'kin"

Ibinahagi ni Rochelle Pangilinan ang video ng kanyang anak na si Shiloh Solinap na sumasayaw. Nagbahagi ito kung gaano siya natuwa sa kanyang anak at aminado siyang isa siyang stage mother. Marami ang natuwa sa sariling dance steps ng anak ni Rochelle na nagdiwang kamakailan ng kanyang ikalawang kaarawan. Hindi naman ito nakakapagtaka dahil parehas mahusay sumayaw ang kanyang mga magulang.

Ibinahagi ni Rochelle Pangilinan ang video ng kanyang anak na si Shiloh na sumasayaw sa kanilang pagdiriwang ng bagong taon. Sinayaw nito ang sikat na sikat na Spaghetti Song na kinanta ng grupong Sexbomb na kinabilangan ni Rochelle - Maririnig din ang tawa ni Rochelle habang bibong-bibong nagsasayaw ang anak nila ni Arthur Solinap - Bukod sa pagsasayaw ay kumanta din ito ng isang Christmas song.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel