Bea Borres sa kanyang pananahimik: "Wala kayong makukuha sa 'kin"

Bea Borres sa kanyang pananahimik: "Wala kayong makukuha sa 'kin"

- Sinagot ni Bea Borres ang komento tungkol sa kanyang pananahimik sa gitna ng kinasasangkutang isyu ng kaibigang si Andrea Brillantes

- Sa kanyang TikTok video, sinabi niyang nasabihan siya noon na sawsawera siya nang magsalita siya at ngayon daw ay tinatanong siya kung bakit siya nanahimik

- Kaugnay ito sa pagkakadawit ng pangalan ng kaibigan niyang si Andrea sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

- Isa siya sa ABCD girls na kinabibilangan nina Andrea Brillantes, Criza Taa at Danica Ontengco

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Bea Borres ang komento sa kanya na nanahimik umano ito sa isyung kinasasangkutan ng kaibigang si Andrea Brillantes. Aniya, nasabihan siyang sawsawera nung magsalita siya kaya bakit daw siya tinatanong kung ba't siya nanahimik.

Bea Borres sa kanyang pananahimik: "Wala kayong makukuha sa 'kin"
Bea Borres sa kanyang pananahimik: "Wala kayong makukuha sa 'kin"
Source: Instagram
“Mag-asaran tayo dito. Wala kayong makukuha sa akin. Noong ako salita nang salita, gusto n’yong manahimik ako. Sasabihan n’yo akong sawsawera. Tapos ngayong nananahimik ako, kung anu-ano pa ring sinasabi n’yo,”

Read also

Alden Richards sa KathNiel breakup: "They deserve the space that they need to go through"

Matapos ga ang kumpirmasyon ng paghihiwalay nina Daniel at Kathryn, kabilang ang pangalan ni Andrea sa nadawit matapos mapansin ng netizens ang pag-unfollow ni Kathryn at mga kaibigan nito kay Andrea.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Bea Borres ay isa sa malapit na kaibigan ni Andrea Brillantes. Kabilang siya sa teleseryeng Kadenang Ginto. Isa din siya sa kilala bilang ABCD girls na kinabibilangan nina Andrea Brillantes, Criza Taa at Danica Ontengco.

Matatandaang sinagot ni Ricci Rivero ang post ng kaibigan ni Bea sa X noong kasagsagan ng isyu matapos niyang isapubliko ang relasyon niya kay Leren Mae Bautista. Sa tweet ni Bea, sinabi nito na maging sa hard launch ay puro daw nagmamalinis. Hinamon niya ito kung gusto daw ba niyang maglabasan sila ng labada. Sinagot niya rin ang isang netizen na pumuna sa pagpatol daw niya sa babae.

Read also

Panayam kay Daniel ukol sa A Very Good Girl kung saan 'nobya' pa ang tawag niya kay Kathryn, viral

Samantala, naibahagi ni Bea kay DJ Jhaiho sa kanilang YouTube show na Marites University na nagkokonsulta na siya sa kanyang abogado. Kaugnay ito sa naging tweet ni Ricci kung saan sinagot nito ang tweet ni Bea na walang binabanggit na pangalan. Ang tweet ni Bea ay tungkol sa aniya'y nagmamalinis kahit sa hard launch nito. Diretsahan naman siyang sinagot ni Ricci at hinamon na maglabasan daw sila ng labada.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel