Darren Espanto kay Kim Chiu: "Ilang beses kitang namura sa panonood ko ng Linlang"
- Ibinahagi ni Kim Chiu ang convo nila ng kaibigan niyang si Darren Espanto
- Sa screenshot ng kanilang pag-uusap, sinabi ni Darren na ilang beses daw niyang namura si Kim bilang si Juliana sa seryeng 'Linlang'
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Ani Darren, nangigigil siya sa karakter ni Kim sa naturang serye na kasalukuyang namamayagpag sa Prime Video
- Sa katunayan ay naging most watched show siya sa Prime Video Philippines noong unang araw itong lumabas
Pinakita ni Kim Chiu ang screenshot ng convo nila ng kaibigan niyang si Darren Espanto. Sinabi nito na namura niya nang ilang beses si Kim sa seryeng Linlang kung saan gumanap si Kim bilang si Juliana.
Pisalamatan naman ni Kim si Darren sa panonood nito sa kanilang serye na hanggang sa kasalukuyan ay inaabangan at patok sa mga manonood.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa katunayan ay naging most watched show siya sa Prime Video Philippines noong unang araw itong lumabas. Kasalukuyan pa rin itong napapanood at naglalabas sila ng bagong episode tuwing Huwebes na pinapalabas sa 240 na bansa sa iba't-ibang panig ng mundo.
Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.
Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.
Samantala, kamakailan ay kinaaliwan sina Kim at Vic Sotto sa vlog ni Kim kung saan game na sinagot ni Bossing ang mga tanong ni Kim. Marami ang natuwa sa mga hirit at palitan ng joke ng dalawa na sa unang pagkakataon ay nagkasama. Matapos ang kanilang game ay nag-book si Bossing ng mga delivery riders para mabigyan ng biyaya. Dahil sa nakakaaliw na video nila ay maraming mga netizens ang gustong magkatrabaho ang dalawa sa pelikula.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh