Jennica Garcia sa kanyang pagkakamali sa blocking: "Saan po punta ng Lala niyo ba kasi?"

Jennica Garcia sa kanyang pagkakamali sa blocking: "Saan po punta ng Lala niyo ba kasi?"

- Binahagi ni Jennica Garcia ang nag-viral na video clip na kuha sa It's Your Lucky Day

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ito ay matapos niyang magkamali sa blocking sa isang segment ng naturang show kung saan tanging siya lang ang pumagitna kasama ang isang kalahok samantalang nasa gilid ang kanyang mga kasamahan

- Sa caption ng kanyang binahaging video clip ay sinabi ni Jennica na nangangamoy last day na kahit first day pa lang sa trabaho

- Ang It's Your Lucky Day ay ang game show na pansamantalang pumalit sa It's Showtime sa loob ng 12 na araw

Kinaaliwan si Jennica Garcia matapos itong magkamali sa blocking sa isang segment ng It's Your Lucky Day. Binahagi ni Jennica ang video clip nito at pabirong sinabi na nangangamoy last day na kahit first day pa lang niya.

Read also

Whamos Cruz, sinorpresa si Antonette Gail ng bulaklak at money bouquet

Jennica Garcia sa kanyang pagkakamali sa blocking: "Saan po punta ng Lala niyo ba kasi?"
Jennica Garcia sa kanyang pagkakamali sa blocking: "Saan po punta ng Lala niyo ba kasi?" (@jennicagarciaph)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa naturang video clip ay makikitang tanging si Jennica lang ang pumunta sa gitna kasama ang isang kalahok. Napaupo ito sa sahig nang makitang ang kanyang kasamahan ay nasa gilid lamang at sinabihan siyang nagkamali siya sa blocking.

Tawang-tawa ang kanyang co-hosts lalo at hindi maitago ni Jennica ang kanyang hiya sa nangyari.

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Kris Aquino sa usaping pagbabalik-TV: "I’m now a different me with other missions in my mind"

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel