Whamos Cruz, sinorpresa si Antonette Gail ng bulaklak at money bouquet

Whamos Cruz, sinorpresa si Antonette Gail ng bulaklak at money bouquet

- Pinasilip ni Whamos Cruz ang kanyang pagsorpresa kay Antonette Gail nitong nagdaang Valentines day

- Hindi niya pinaalam kay Antonette ang kanyang pagpunta sa pagawaan ng mga bouquet

- Isang money bouquet, bulaklak at cake ang kanyang mga binili para kay Antonette

Binahagi ni Whamos Cruz ang video ng kanyang naging paghahanda para sa kanyang sorpresa para kay Antonette. Isang money bouquet, bulaklak at chocolates ang kanyang mga binili para kay Antonette.

Whamos Cruz, sinorpresa si Antonette Gail ng bulaklak at money bouquet
Whamos Cruz, sinorpresa si Antonette Gail ng bulaklak at money bouquet
Source: Facebook

First time daw ni Whamos na makapagbigay ng money bouquet. P200,000 ang perang pinalagay ni Whamos sa bouquet.

Hindi naman maitago ni Antonette ang kanyang tuwa at kilig sa sorpresa ni Whamos para sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang taon na rin daw ang lumipas nang ma-engaged silang dalawa. Matatandaang noong nakaraang taon ay nagpropose si Whamos kay Antonette.

Read also

Heart Evangelista, pinasilip ang kanyang photoshoot para sa 39th birthday niya

Hiling ni Whamos na makasama niya hanggang sa pagtanda si Antonette.

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Minabuti ni Antonette Gail na linawin ang akusasyong kaya raw sila nagbebenta ng bahay at alahas ay dahil sa naubos daw ang kanilang ipon. Sinasabi pa raw na kaya naubos ang kanilang ipon ay dahil sa kanilang pag-travel at pagpapa-lipo ni Antonette. Nilinaw niyang hindi sila gagastos nang wala silang extra kaya hindi totoong naubos ang kanilang ipon. Dagdag pa niya, may pinaglalaanan sila sa kanilang savings.

Read also

Mikee Morada, napalatak at napa-walk out sa biro ni Alex Gonzaga

Binahagi ng nanay ni Antonette Gail ang video ng pag-uwi ni Antonette galing sa pagkaka-ospital nito. Sa kanyang TikTok ay nabisita niya rin ang anak at pinalakas ang loob nito para magpagaling at makasama na niya ang anak. Dinatnan nilang tulog pa si Meteor pero hindi maitago ni Antonette ang pananabik niya sa anak. Hindi pa makakilos nang maayos si Antonette kaya hindi pa niya nakarga kaagad si Meteor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel