Kris Aquino sa usaping pagbabalik-TV: "I’m now a different me with other missions in my mind"

Kris Aquino sa usaping pagbabalik-TV: "I’m now a different me with other missions in my mind"

- Sa kabila ng gumagandang kalagayan ng kanyang kalusugan, ilang fans ni Kris Aquino ang naghayag ng kanilang kagustuhan na mapanuod na muli si Kris sa TV

- Gayunpaman, dahil sa kanyang pinagdaanan, tila nag-iba na ang gusto ni Kris sa buhay

- Matatandaang bago siya nagpahinga sa showbiz ay nagkaroon pa ng mga guesting si Kris sa ilang shows kagaya ng show ni Willie Revillame

- Bilang nakilala sa kanyang husay sa hosting, marami pa rin sa kanyang mga fans ang umaasang makakabalik-telebisyon si Kris

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi kamakailan si Kris Aquino ng balita kaugnay sa gumagandang lagay ng kanyang kalusugan. Marami sa kanyang fans ang natuwa at umaasang babalik siya sa showbiz kapag gumaling na ito.

Kris Aquino sa pagbabalik TV: "I’m now a different me with other missions in my mind"
Kris Aquino sa pagbabalik TV: "I’m now a different me with other missions in my mind"
Source: Instagram

Isang fan niya ang nagsabing nami-miss na niyang makita si Kris sa TV.

Read also

Mickey Ablan sa anak: "I'm so sorry My Baby Girl Yzabel, please forgive Daddy"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kris Aquino sa pagbabalik TV: "I’m now a different me with other missions in my mind"
Kris Aquino sa pagbabalik TV: "I’m now a different me with other missions in my mind"
Source: Instagram

“Pagaling [ka na] Kris at [nang] makabalik [ka na] sa TV show, nakaka-miss ka kasi,”

Sinagot naman siya ni Kris na maging siya ay gustuhin niya man ay iba na raw ang kanyang misyon sa buhay dahil sa kanyang pinagdaanan.

“I would love to but [I’ve] changed so much, and experienced life’s pain and sorrow. I’m now a different me with other missions in my mind,”

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas .

Read also

Whamos Cruz, sinorpresa si Antonette Gail ng bulaklak at money bouquet

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel