Kris Aquino, nag-sorry sa mga Batangueño dahil sa oras na ginugugol ni VG Marc Leviste sa kanya

Kris Aquino, nag-sorry sa mga Batangueño dahil sa oras na ginugugol ni VG Marc Leviste sa kanya

- Sinagot ni Kris Aquino ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post

- Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan

- Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc

- Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kabilang si Vice Governor Marc Leviste sa nagkomento sa bagong post ni Kris Aquino. Sinagot ni Kris ang comment niya at inihayag ang kanyang pasasalamat sa ginagawa ni VG Marc para sa kanya.

Kris Aquino, nag-sorry sa mga Batangueño dahil sa oras na ginugugol ni VG Marc Leviste sa kanya
Kris Aquino, nag-sorry sa mga Batangueño dahil sa oras na ginugugol ni VG Marc Leviste sa kanya (@krisaquino)
Source: Instagram

Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan.

Read also

Kris Aquino, nabanggit na hindi pa rin nakakakain; nilinaw na wala siyang cancer

Sa mga minamahal ni Vice Gov na mga Batangueño, i have 2 tests left to determine kung kakayanin ko yung mga ipapasubok na bagong gamot sa kin, praying all goes well because KAYO ang boss nya at wala sa job requirement ng VG ang tumulong mag-alaga sa ‘kin.

Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mga Batangueño, hindi ko na po sya gagambalain para yung FOCUS nya inyong inyo.
Kris Aquino, nag-sorry sa mga Batangueño dahil sa oras na ginugugol ni VG Marc Leviste sa kanya
Kris Aquino, nag-sorry sa mga Batangueño dahil sa oras na ginugugol ni VG Marc Leviste sa kanya (@krisaquino)
Source: Instagram

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ibinahagi ni Vice Gov. Mark Leviste ang isang video kung saan makikita ang kanyang paglapit sa sasakyan ni Kris. Kasalukuyang nasa Amerika si Kris dahil sa kanyang pagpapagamot ng kanyang autoimmune na sakit. Sa video na binahagi ni Leviste ay makikitang si Bimby ang nagbukas ng pinto ng sasakyan. Nang makita ni Leviste si Kris ay namutawi mula sa kanya ang mga salitang “Oh my God! You are so beautiful”.

Read also

Kris Aquino, pinagdadasal si Miles Ocampo sa gitna ng pinagdadaanan nito

Nagbahagi si Kris ng isang post sa kanyang social media pages para magpasalamat at magbahagi ng health update. Kabilang sa kanyang pinasalamatan ay ang lahat ng mga doktor na nag-alaga sa kanya sa kanyang maselan na kalagayan. Aniya ay sasailalim siya sa panibagong treatment sa susunod na linggo at dalangin niya na kayanin niya ito. Pinagpasalamat din ni Kris ang lahat ng dasal para sa kanya maging mula sa mga taong hindi niya personal na kakilala.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel