Kris Aquino, nabanggit na hindi pa rin nakakakain; nilinaw na wala siyang cancer

Kris Aquino, nabanggit na hindi pa rin nakakakain; nilinaw na wala siyang cancer

- Hiling ni Kris Aquino sa kanyang abogado na sana ay matanggal ang post tungkol sa isang produkto na ginagamit ang kanyang pangalan

- Aniya, walang katotohanan ang "miracle" food na ito dahil aniya hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa talaga siya nakakakain

- Dagdag pa niya, pawang gatas lamang muna siya sa kasalukuyan taliwas sa post na tinutukoy ni Kris

- Nilinaw din niyang hindi siya kailanman na-diagnose na mayroon siyang cancer

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Kris Aquino ang isang komento mula kay Enrique Dela Cruz kung saan hiniling niya na matanggal na ang post tungkol sa umano'y miracle food. Aniya, walang katotohanan ang "miracle" food na ito dahil aniya hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa talaga siya nakakakain.

Kris Aquino, nabanggit na hindi pa rin nakakakain; nilinaw na wala siyang cancer
Kris Aquino, nabanggit na hindi pa rin nakakakain; nilinaw na wala siyang cancer (@krisaquino)
Source: Instagram

Aniya, pawang gatas lamang muna siya sa kasalukuyan taliwas sa post na tinutukoy ni Kris. Nilinaw din niyang hindi siya kailanman na-diagnose na mayroon siyang cancer.

Read also

Kris Aquino, pinagdadasal si Miles Ocampo sa gitna ng pinagdadaanan nito

Sagot naman ng abogado, napadalhan na nila ng demand letter para matanggal ang naturang post.

we are working on it mam. We already sent a demand letter for them to take it down / delete the posts. We will keep you posted.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kris Aquino, nabanggit na hindi pa rin nakakakain; nilinaw na wala siyang cancer
Kris Aquino, nabanggit na hindi pa rin nakakakain; nilinaw na wala siyang cancer (@krisaquino)
Source: Instagram

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ibinahagi ni Vice Gov. Mark Leviste ang isang video kung saan makikita ang kanyang paglapit sa sasakyan ni Kris. Kasalukuyang nasa Amerika si Kris dahil sa kanyang pagpapagamot ng kanyang autoimmune na sakit. Sa video na binahagi ni Leviste ay makikitang si Bimby ang nagbukas ng pinto ng sasakyan. Nang makita ni Leviste si Kris ay namutawi mula sa kanya ang mga salitang “Oh my God! You are so beautiful”.

Read also

Fashion blogger na si Bryan Boy, deadma na sa rice; ibinida ang "Fendi pasta"

Nagbahagi si Kris ng isang post sa kanyang social media pages para magpasalamat at magbahagi ng health update. Kabilang sa kanyang pinasalamatan ay ang lahat ng mga doktor na nag-alaga sa kanya sa kanyang maselan na kalagayan. Aniya ay sasailalim siya sa panibagong treatment sa susunod na linggo at dalangin niya na kayanin niya ito. Pinagpasalamat din ni Kris ang lahat ng dasal para sa kanya maging mula sa mga taong hindi niya personal na kakilala.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel