Kris Aquino, pinagdadasal si Miles Ocampo sa gitna ng pinagdadaanan nito

Kris Aquino, pinagdadasal si Miles Ocampo sa gitna ng pinagdadaanan nito

- Kabilang si Miles Ocampo sa nagkomento sa pinakabagong post ni Kris Aquino kung saan nagbahagi siya ng health update

- Sa kanyang komento ay naghayag si Miles ng kanyang pagmamahal kay Kris na kanyang tinawag na nanay

- Sagot naman ni Kris, pinagdadasal niya si Miles at nagtanong pa ito kung may kailangan pa siya at magmessage lang daw ito

- Matatandaang nagkaroon din ng kanyang health emergency si Miles kamakailan kaya kinailangan niyang magpaopera

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Kris Aquino, pinagdadasal niya ang anak-anakang si Miles Ocampo. Ito ay matapos mag-comment ni Miles sa kanyang bagong post kung saan nagbahagi si Kris ng health update.

Kris Aquino, pinagdadasal si Miles Ocampo sa gitna ng pinagdadaanan nito
Kris Aquino, pinagdadasal si Miles Ocampo sa gitna ng pinagdadaanan nito (@krisaquino)
Source: Instagram

Sa huling post nga ni Kris ay nakapag-reply siya sa ilan sa mga nagkomento. Kabilang si Miles sa mga naghayag ng pagmamahal at pag-aalala nila kay Kris.

Read also

Vince Flores, aprub sa biological mother ni Toni Fowler

Nagtanong pa si Kris kung may kailangan pa si Miles at mag-message lang daw ito sa kanya.

Kris Aquino, pinagdadasal si Miles Ocampo sa gitna ng pinagdadaanan nito
Kris Aquino, pinagdadasal si Miles Ocampo sa gitna ng pinagdadaanan nito (@krisaquino)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil dito ay lalong kinabiliban ang pagiging mapagmahal ni Kris lalo na sa mga taong mahalaga sa kanya.

Wow , may sakit ka na ini intindi mo pa ang iba ! Kaya mahal na mahal kita
Always praying for you queen. .
Bait mo talaga kahit nagpapagaling ka iniisip mo parin iba kris...praying for you kris at miles pagaling ka din, sana maging ok na kau pareho

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ibinahagi ni Vice Gov. Mark Leviste ang isang video kung saan makikita ang kanyang paglapit sa sasakyan ni Kris. Kasalukuyang nasa Amerika si Kris dahil sa kanyang pagpapagamot ng kanyang autoimmune na sakit. Sa video na binahagi ni Leviste ay makikitang si Bimby ang nagbukas ng pinto ng sasakyan. Nang makita ni Leviste si Kris ay namutawi mula sa kanya ang mga salitang “Oh my God! You are so beautiful”.

Read also

Kris Aquino, nabanggit na hindi pa rin nakakakain; nilinaw na wala siyang cancer

Nagbahagi si Kris ng isang post sa kanyang social media pages para magpasalamat at magbahagi ng health update. Kabilang sa kanyang pinasalamatan ay ang lahat ng mga doktor na nag-alaga sa kanya sa kanyang maselan na kalagayan. Aniya ay sasailalim siya sa panibagong treatment sa susunod na linggo at dalangin niya na kayanin niya ito. Pinagpasalamat din ni Kris ang lahat ng dasal para sa kanya maging mula sa mga taong hindi niya personal na kakilala.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel