Vince Flores, aprub sa biological mother ni Toni Fowler

Vince Flores, aprub sa biological mother ni Toni Fowler

- Nagka-usap na nang personal sina Vince Flores at ang biological mother ni Toni Fowler na kakarating lang mula sa US kamakailan

- Sa ginanap na birthday celebration para kay Vince ay kabilang ang mommy ni Toni sa nagbigay ng regalo kalakip ng kanyang mensahe sa lalaking minamahal ng kanyang anak

- Aniya, bilin niya sa kanyang mga anak ay kung pipili sila ng mamahalin nila, piliin yung lalaking mahal ang magulang nila lalo na ang nanay nila

- Inihabilin pa nito ang pag-aalaga sa kanyang anak at apo kay Vince dahil nakatakda din itong bumalik sa US

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkausap sina Vince Flores at ang biological mother ni Toni Fowler na based sa USA. Sa kanilang pag-uusap, inihayag ng mommy ni Toni na gusto niya si Vince para sa kanyang anak.

Read also

Maggie Wilson, nag-post ng picture kasama ang kanyang ina

Vince Flores, aprub sa biological mother ni Toni Fowler
Vince Flores, aprub sa biological mother ni Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sa ginanap na birthday celebration ni Vince ay kabilang ang mommy ni Toni sa nagbigay ng kanyang regalo. Nagbahagi din ito ng kanyang mensahe para kay Vince.

Aniya, mahal niya kung sino ang mahal ng kanyang anak at lagi niya daw sinasabi sa kanyang mga anak ay kung pipili sila ng mamahalin nila, piliin yung lalaking mahal ang magulang nila lalo na ang nanay nila.

Inihabilin pa nito ang pag-aalaga sa kanyang anak at apo kay Vince dahil nakatakda din itong bumalik sa US.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Kris Aquino, pinagdadasal si Miles Ocampo sa gitna ng pinagdadaanan nito

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel