Mickey Ablan sa anak: "I'm so sorry My Baby Girl Yzabel, please forgive Daddy"

Mickey Ablan sa anak: "I'm so sorry My Baby Girl Yzabel, please forgive Daddy"

- Naibahagi ni Mickey Ablan ang kanyang saloobin kaugnay sa naging mensahe ng anak niya sa isang kaibigan nito na tinawag niyang 'Kuya'

- Sa post ni Mickey ay makikita ang conversation ni Yzabel at sa kaibigan niya kung saan kinikwento niya ang tungkol sa kanyang karamdaman

- Ani Mickey, sana sinabi din sa kanya ni Yzabel ang nararamdaman nito at mas tinutukan niya ang kanyang anak

- Tila sinisisi pa rin ni Mickey ang sarili na wala siyang mas nagawa para sa anak kundi bigyan siya ng enhaler at tubig at ipacheck up siya online sa isang doktor

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Mickey Ablan ang conversation ng anak na si Yzabel Ablan sa isang taong tinatawag nito sa pangalang 'Kuya.' Sa naturang screenshots ay makikita ang pagkukuwento ni Yzabel kaugnay sa sunod-sunod na asthma attacks niya na kanyang sinarili.

Read also

Sharon Cuneta, kinaaliwan sa kanyang reaksiyon matapos makita si Taemin ng grupong SHINee

Mickey Ablan sa anak: "I'm so sorry My Baby Girl Yzabel, please forgive Daddy"
Mickey Ablan sa anak: "I'm so sorry My Baby Girl Yzabel, please forgive Daddy" (Janna Dominguez/Facebook)
Source: Facebook

Sa mensahe niya ay naihayag pa ni Yzabel na handa na rin siyang pumanaw kahit aminado siyang nakakaramdam siya ng pangamba.

“Pero yeah life is really short noh I mean when I was at the moment not being able to breathe I was so scared but ready at the same time.”

Sa caption naman ng kanyang post, sinabi ni Mickey na kung nalaman sana niya ang tunay na pinagdadaanan ng anak ay maaring iba ang nangyari.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“If only you told me ganon kalala Breathing Attack mo the night before you passed away Ate Yzabel Ablan maybe the outcome would have been different.
Mickey Ablan sa anak: "I'm so sorry My Baby Girl Yzabel, please forgive Daddy"
Mickey Ablan sa anak: "I'm so sorry My Baby Girl Yzabel, please forgive Daddy"
Source: Facebook

Si Yzabel Ablan ang panganay na anak ni Mickey Ablan, ang kasalukuyang partner ng aktres na si Janna Dominguez. Kilala si Janna sa kanyang role sa "Pepito Manaloto" sa GMA. Ibinahagi ni Janna ang nakakalungkot na balita kaugnay sa pagpanaw ni Yzabel sa pamamagitan ng isang Instagram post. Ibinurol si Izabel sa La Pieta Funeral Homes sa Angeles City, Pampanga mula Oktubre 8 hanggang 12.

Read also

Janna Dominguez, ibinahagi ang nakakaantig na picture ni Mickey Ablan sa puntod ng anak

Kamakailan ay ibinahagi ni Iwa Moto ang kanyang paraan kung paano niya kinakaya ang pinagdadaanang kalungkutan. Sa kanyang post sa TikTok ay dinaan niya sa paglalaro ng rubiks cube ang lungkot na nararamdaman. Matatandaang kamakailan ay kabilang si Iwa sa naghayag ng matinding kalungkutan sa balitang pumanaw si Yzabel na naging malapit sa kanya noong karelasyon pa ni Iwa ang ama nito.

Ibinahagi ni Janna ang nakakaantig na picture ng kanyang partner na si Mickey. Nakaupo ito at umiiyak sa harap ng puntod ng anak na si Yzabel. Hindi man makita ang kanyang mukha ay marami sa netizens ang naantig at patuloy na nakikiramay. Si Yzabel ang panganay na anak ni Mickey sa unang karelasyon niya pero naging malapit din si Yzabel kay Janna.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel