Janna Dominguez, ibinahagi ang nakakaantig na picture ni Mickey Ablan sa puntod ng anak

Janna Dominguez, ibinahagi ang nakakaantig na picture ni Mickey Ablan sa puntod ng anak

- Ibinahagi ni Janna Dominguez ang nakakaantig na picture ng kanyang partner na si Mickey Ablan

- Nakaupo ito at umiiyak sa harap ng puntod ng anak na si Yzabel Ablan

- Hindi man makita ang kanyang mukha ay marami sa netizens ang naantig at patuloy na nakikiramay

- Si Yzabel ang panganay na anak ni Mickey sa unang karelasyon niya pero naging malapit din si Yzabel kay Janna

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Janna Dominguez ang picture ni Mickey Ablan sa harap ng libingan ni Yzabel Ablan. Marami ang naantig sa picture ni Mickey na nagdadalamhati.

Janna Dominguez, ibinahagi ang nakakaantig na picture ni Mickey Ablan sa puntod ng anak
Janna Dominguez, ibinahagi ang nakakaantig na picture ni Mickey Ablan sa puntod ng anak
Source: Facebook

Walang ibang caption si Janna kundi pleading face at broken heart emoji. Bumuhos pa rin ang mensahe ng pakikiramay sa kanila sa gitna ng kanilang pagdadalamhati at pangungulila kay Yzabel.

Read also

Mickey Ablan sa anak: "I'm so sorry My Baby Girl Yzabel, please forgive Daddy"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naibahagi din ni Janna ang saloobin sa kanilang pinagdaanan nitong nakaraang isang linggo.

Its been a week. Going home , being at home without you anak. Ang hirap. Every corner has memories of you. Every thing i touch and see reminds me of you. Every time i turn my head am hoping to see you. How do i go from this? Where do i actually start? Iniisip ko nalang asa condo ka to lessen the thought na.....I love you always Yzabel Ablan

Si Yzabel Ablan ang panganay na anak ni Mickey Ablan, ang kasalukuyang partner ng aktres na si Janna Dominguez. Kilala si Janna sa kanyang role sa "Pepito Manaloto" sa GMA. Ibinahagi ni Janna ang nakakalungkot na balita kaugnay sa pagpanaw ni Yzabel sa pamamagitan ng isang Instagram post. Ibinurol si Izabel sa La Pieta Funeral Homes sa Angeles City, Pampanga mula Oktubre 8 hanggang 12.

Read also

KC, may mahabang partisipasyon umano sa concert nina Sharon at Gabby ayon kay Cristy

Kamakailan ay ibinahagi ni Iwa Moto ang kanyang paraan kung paano niya kinakaya ang pinagdadaanang kalungkutan. Sa kanyang post sa TikTok ay dinaan niya sa paglalaro ng rubiks cube ang lungkot na nararamdaman. Matatandaang kamakailan ay kabilang si Iwa sa naghayag ng matinding kalungkutan sa balitang pumanaw si Yzabel na naging malapit sa kanya noong karelasyon pa ni Iwa ang ama nito.

Ibinahagi ni Janna kamakailan ang picture ng pagdalaw ni Iwa Moto sa burol ni Yzabel. Makikita sa kanyang post ang pagyakapan nila habang pinagmamasdan si Yzabel na nakahimlay. Bumuhos ang pakikiramay sa kanila na kapwa tumayong ina kay Izabel kabilang ang biological mother nito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel